^

Pang Movies

Kanta ni Inigo memoryado ng mga foreigner na mahilig sa music

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Kanta ni Inigo memoryado ng mga foreigner na mahilig sa music
Inigo Pascual

Oh ha, abot tainga ang ngiti ni Inigo Pascual nang officially matanggap nito ang Gold at Platinum awards sa kanyang self-titled debut album nung Linggo sa ASAP Live.

Bale ba kasama sa album ang hit single na Dahil Sa ‘Yo, Dito, at Live Life Brighter na imagine pinapakinggan din sa ibang bansa thru YouTube Channel, Spotify Phils., at Billboard PH.

Kaya naman mas ganado pa si Inigo sa kanyang music ngayon dahil nga hindi lang mga Pinoy music fans ang nakaka-appreciate ng hits songs nito, kundi ma­ging mga foreign music lovers. Nakatutuwang mabasa ang mga comment ng mga foreigner sa kanyang kanta lalo na ang Dahil sa ‘Yo na kahit hindi nila naiintindihan ang lyrics ay LSS na aliw sa music ni Inigo.

Mula Indonesia, Malaysia, Iraq, Canada, Australia, Japan, Korea, at ibang bansa na  hindi nila naiintindihan ang kanta ni Inigo, pero kasama sa kanilang playlist ang Pinoy song ng anak ni Piolo Pascual. Aminado pa ang isang Malaysian fan na mi-memorized pa niya ang lyrics na talagang inaral niya para maintindihan ang meaning nito.

Pang world class na ang OPM ni Inigo na ang haba ng listahan sa kanyang pinapasalamatan ng mga taong tumulong at nagtiwala sa kakayahan nito. Nagbunga rin ang pagiging pagtitiyaga ni Inigo na inilabas ang kanyang kakulitan sa kanyang mga music. Siyempre proud si Papa P sa achievement at music career ng kanyang anak.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with