^

Pang Movies

Pelikula ni Lino Brocka, nakasama sa Criterion

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pelikula ni Lino Brocka, nakasama sa Criterion

Hindi kami nagulat doon sa sinasabi na iyong pelikula ni Lino Brocka na Maynila: sa Kuko ng Liwanag ay nakasama sa selection ng Criterion, isang kumpanya na nagpe-preserve ng mga itinuturing nilang mga klasiko at magagandang pelikula, at inilalabas iyon sa video para sa mga kritiko sa buong mundo. Talagang hinahanap nila ang mga pinakamagagandang pelikula, inaa­yos iyon para mapanood nang tama. Kahit na nga iyong mga silent movies pa eh, mayroon sila, basta klasiko.

Natatandaan namin, hinanap namin noong araw iyong silent film na Passion of Joan of Arc, na ang bida ay si Renee Falconetti, nakakuha kami ng full version mula sa Criterion.

Pero mabalik tayo sa pelikula ni Brocka, iyan ding pelikulang iyan ang kaisa-isang pelikulang Pilipino na isinama ng kilalang kritikong si Leo­nard Maltin sa kanyang librong TV Movies, iyan ay isang taunang direktoryo ng mga pelikula na naglalaman ng mga detalye, pati ang ratings ng mga pelikula simula pa noong una. At ang Maynila: sa Kuko ng Liwanag ay binigyan ni Maltin ng rating na 3 stars.

Siguro nga kanya-kanyang choices lang iyan. Baka nga kung ngayon ipalabas iyang Maynila, matatalo pa iyan sa mga awards sa ibang hotoy-hotoy na award giving bodies eh. Hindi naman kasi gagastos para manalo ng award si Brocka. Pero sa totoo lang, isa iyan sa mga pinaka magagandang pelikulang napanood na namin.

Iyong pelikula daw ay isinalin ng Criterion sa high definition video, ibig sabihin napakaganda niyan oras na panoorin mo sa video. Ang masakit lang, wala namang distributor sa Pilipinas iyang Criterion, at makukuha mo lamang ang kopya ng kanilang mga video sa mga pirata na nangongopya ng pelikula sa Hong Kong o Malaysia. Pero sana kung mga pelikula natin mismong ganyan, maisipan naman ng mga local distributors na maglabas ng mga legal na kopya rito sa ating bansa. May kopya na rin nga pala niyan sa Youtube, malabo nga lang. Pirated din eh.

Former sexy star, todo iwas sa ex na gay movie writer

Nakasabay namin sa isang restaurant ang isang dating sexy male star. Kasama yata niya ang kanyang pamilya. Pero napansin naming, simula nang pumasok sila ay panay ang iwas niya ng tingin sa aming kinaroroonan. Nalaman na lang namin noong nakaalis na sila kung bakit.

Nakarelasyon pala ng kasama naming gay movie writer ang sexy action star ng limang taon. Iyon ay noong nagsisimula pa lamang siya at aktibo sa kanyang career sa isang ST film company.

Kung minsan nga naman, ang mga taong may pilit na itinatagong nakaraan ay mahirap din naman ang kalagayan. Isipin mo nga naman, kung batiin siya ng bading eh kasama pa naman ang misis niya.                                       

Bagong grupong Belladonnas, masusubukan

Mayroon nga pala kaming nakalimutang ikuwento. Napanood namin ang launching performance ng bagong all female show group na Belladonnas. In fairness, mahusay silang kumanta bukod sa kanilang mahusay din namang pagsasayaw.

Iyong ibang mga show groups, mga dancers lang talaga. Kita mo naman ang galing nilang sumayaw eh pero iyong mga kanta nila huwag na lang. Kumikita lang sila dahil novelty songs, iyon bang patawa lang ang mga kanta. Pero iyang Belladonnas, maganda talaga ang kanilang kanta. Nauna nga lang ang launching nila bilang mga artists, pero matatapos naman daw at mailalabas ang kanilang album sa taong ito, sabi ni Lyka Boo.

Aabangan namin iyang album na iyan ng Belladonnas.

vuukle comment

LINO BROCKA NA MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with