^

Pang Movies

Juday pinagluto ang mga madre sa Vatican!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Juday pinagluto ang mga madre sa Vatican!
Juday at Ryan

Nasa Vatican City in Rome ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, sa last Instagram post nila. Isa ang Vatican City sa mga lugar na pupuntahan nila sa Italy, para sa bakasyon nila to celebrate their birthdays (si Ryan last April 10 at si Juday sa May 11) at ng kanilang 9th wedding anniversary on April 28.

Mas meaningful ang pagpunta nina Juday at Ryan sa Vatican City, hindi lamang para makita si Pope Francis, kundi ang katuparan ng isang dream ni Juday, ang maipagluto ang mga madre na nagdarasal sa kanya.

Post ni Juday: “Isa sa mga pangarap ko, ang mapaglutuan ang mga madre na inaalagaan ako sa dasal at pagmamahal...hindi ko naman naisip na sa loob ko pa ng Vatican ito magagawa.. napakasaya ng puso ko, ang sarap pakinggan sila sister na natuwa at nasiyahan sa niluto naming dinner para sa kanila. Thank you Father Mario for this beautiful, priceless experience..hindi ito pwedeng matapatan ng kahit anong outlet shops! Thank you bub (Ryan)..for making it even more special.”

Bago sila naglutong mag-asawa, nag-post si Juday ng Instagram story niya na nag-grocery muna sila sa Vatican City grocery store, hindi raw niya alam na may grocery pala sa loob ng Vatican. Ipinakita rin niya ang pagluluto nila ni Ryan ng adobong baboy, ginisang munggo na special request daw ni Sister Joy. Pinost din ni Juday ang pancit canton, iba-ibang klase ng vegetable salad na fresh na fresh ang mga ginamit niyang vegetables. May ginawa rin siyang isang napakalaking leche flan.

Wait na lamang natin ang mga susunod na posts nina Juday at Ryan sa pagsi-celebrate nila ng kanilang wedding anniversary, saan kayang part ng Italy sila pupunta? Masundan na kaya si Luna, ang youngest child nila ni Ryan?

Kyline at Jeric aksidenteng naging loveteam

Mukhang nakakuha na ang GMA Network ng bagong love team, sina Jeric Gonzales at new Kapuso contract star Kyline Alcantara. Napansin sina Jeric at Kyline nang sila na ang madalas magka-eksena sa kanilang tinututukang primetime drama, ang Kambal Karibal kasama nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. May fans club na rin silang dalawa at suportado rin sila sa song covers na ginawa nila together, ang Kanlungan.

May mga requests na rin sa GMA na sila na ang pagtambalin, kaya naman ngayong gabi, sila ang mapapanood na magkatambal sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa episode na Ibong Adarna. Si Jeric ay si Juan at hahanapin niya ang Ibong Adarna (Kyline) para magamot ang ama niyang hari. Makakasama rin nila sina Rey Abellana, Lucho Ayala at Aaron Yanga. Mapapanood sila pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Nagsi-celebrate ng kanilang first anniversary special ang Daig Kayo ng Lola Ko at isang magandang gift sa kanila ay ang award na Best Values-Oriented Program mula sa 2018 Platinum Stallion Media Awards. Nagtuturo raw sa mga kabataan ang bawat episode na ipinalalabas nila every Sunday, hosted by Ms. Gloria Romero.

vuukle comment

JUDAY AT RYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with