^

Pang Movies

Century Tuna SuperBods contest niluto ba?

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Century Tuna SuperBods contest niluto ba?
Maricel

Alam naman natin na ang Tuna ay Fish. Pero okay bang maging Fishy ang resulta ng pa-contest nila?

May mga nagtataka sa resulta ng ginanap na Century Tuna SuperBods contest. May ilang kaming kilalang mga health buff na nagpustahan na si Maricel Cruz na sister ni Sunshine Cruz ang mananalo sa Women’s Ageless at si Tommy Tiangco naman sa Mens Superbods. Kasi nga Superbods so dapat lamang ang may pinakamagandang katawan.

Pero nalungkot sila sa naging resulta nito. Feeling nila may halong palakasan ang naganap na contest. Maganda sanang malaman sa Century kung sino ang hired nila na magpatakbo ng contest.

Parehong early favorite sina Maricel at Tommy, dahil bukod sa pagkakaroon ng sexy body, fit na fit pa ang dating nilang dalawa.

Well, sayang. Buti na lang gracious silang da­lawa at maagaang tinanggap ang naging kapalaran.

TESDA, NHA, VM Joy at Mother Ricky sanib-pwersa para sa Payatas

Nagsanib-puwersa ang TESDA, National Housing Authority, Mother Ricky Reyes at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa launching ng Skill 2D Max Angking Galing Mobile Livelihood Program Caravan na ang target ay 4,200 beneficiaries na ga­ling sa marginalized sector ng society.

Kabilang sa mabibiyayaan sa proyektong ito ang Payatas, QC na may 250,000 population at 500 bene­ficiaries ang mabibiyayaan.

Sa rami ng poorest of the poor resettlement area sa QC, pinili ni VM Joy ang Payatas dahil malapit sa puso niya ang mga taga-rito.

“Marami na kaming programa ni Mother Ricky. Pinili po namin ang Payatas dahil ito ang second largest barangay in Quezon City. Ito rin ang barangay na madalas na mabanggit na pinakamahirap dahil sa nangyari noong 2000 nu’ng nagkaroon ng trahedaya kaya lubos ang pasasalamat ng inyong lingkod,” pahayag ni VM Joy sa TESDA at NHA.

Pinangunahan ang launching ng proyekto nina TESDA Secretary Guiling “Kuya Gene” Mamondiong at NHA Assistant Manager, Froilan Kampitan.

Coleen pinagpuyatan ang wedding vows

Ikinasal kahapon sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa Balesin Island. Nakakakuha ng updates and netizens ng wedding mula sa guests nila.

Mula sa guests nilang filmmaker art content creator na sina Janina Manipol at Lizzie Lecaroz, may pasampol si Manipol ng kuha na si Coleen ang mismong nagsulat ng kanyang wedding vows sa kanyang IG account, huh! Si Lecaroz naman ay may kuha ring nagsusulat ang bride habang nasa kama.

Sa Instagram post ni Coleen ilang oras bago ang kasal, nakasaad sa litrato nila ni Billy ang, “Today until forever.” Sa same pic na inilabas ni Billy sa kanyang IG, “I’m so excited to see what God has planned for us my beautiful and loving wife. #collengotthebill.”

Ilan sa mga bumati sa kanila ay sina Luis Manzano, Sarah Lahbati, Iza Calzado at iba pa.

 

vuukle comment

CENTURY TUNA SUPERBODS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with