^

Pang Movies

Female starlet na dating kabit, kukumpiskahin na ang bahay!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sobrang nae-stress ngayon ang female starlet dahil any day ay mase-sequester sa kanyang ang bahay na niregalo ng lalakeng nakarelasyon niya noon  sa kanya, dahil nakapangalan pa rin pala ito sa lalake at hindi pa nai-transfer sa name ng female starlet.

Bago tumino sa kanyang buhay ang female starlet, pitong taon niyang nakarelasyon ng sikreto ang isang lalakeng may-asawa at binigyan siya ng bahay na nagsisilbing love nest nila noon.

Pero noong magtapos na raw ang relasyon nila, iniwan na ang bahay sa female starlet, pero ang  dating misis ay humahabol sa bahay ng dating nakare­lasyon, kaya humingi ng saklolo ang female starlet sa mga co-stars niya kung saan sila puwedeng lumipat ng pamilya niya dahil anytime ay puwede siyang pa­alisin sa bahay. Mabuti na lang at may kaibigan ang female starlet na may pau­pahan na one bedroom condo unit. Walang naging problema sa female starlet dahil malaking tulong na raw iyon, kesa sa bigla silang palayasin at wala siyang malipatan na bahay.

 

vuukle comment

KABIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with