^

Pang Movies

Vice Ganda sulit ang ginawa sa mga Caviteño

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Vice Ganda sulit ang ginawa sa mga Caviteño
Mayor Lani at Vice

Happy si Bacoor City Mayor Lani Mercado dahil nag-enjoy sa concert ni Vice Ganda ang mga kababayan niya.

Si Vice ang inimbitahan ni Lani para sa kanyang 50th birthday show sa Bacoor noong Friday the 13th.

Sulit na sulit ang imbitasyon ni Lani kay Vice dahil talagang pinasaya nito ang mga Caviteño.

I’m sure, hindi lamang ang mga taga-Bacoor ang nanood ng free concert ni Vice dahil dumayo pa ang ibang mga residente ng Cavite province.

Bea, hindi na nagpabayad dahil sa pagmamahal kay Lani

Umapir din sa birthday show para kay Lani si Bea Binene na magbibida sa Karibal Ko ang Aking Ina.

Nakaka-touch ang ginawa ni Bea na hindi tumanggap ng talent fee dahil sa pagmamahal niya kay Lani.

Actually, mabait na bata talaga si Bea kaya wish ko talaga na mag-click nang husto ang upcoming drama series ng GMA 7.

First adult role ni Bea ang role nito sa Karibal Ko ang Aking Ina. Si Sunshine Cruz ang gaganap na nanay niya at magkakaroon sila ng feud dahil sa mga mhin. Co-stars nina Bea at Sunshine sa Karibal Ko ang Aking Ina sina Benjamin Alves at David Licauco.

Gladys at Christopher super relationship goals

Ang ganda ng article kahapon ni Papa Ricky Lo sa Philippine Star tungkol sa mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Ideal showbiz couple talaga sina Gladys at Christopher dahil bagets pa sila nang magpakasal pero going strong ang relasyon nila.

Tulad ng ibang mga normal couple, nagkakaroon din ng problema ang dalawa pero hindi natin nababalitaan.

Kasi naman, hindi sila katulad ng ibang mga artista na mahilig mag-emote sa social media at magkuwento ng mga ganap sa personal life nila.

Active rin sa social media sina Gladys at Christopher pero piling-pili ang mga sharing in the city nila sa fans and followers kaya intriga free ang kanilang buhay.

Albee, naghahanap ng ipapalit kina Sharon at Gabby

Itutuloy pa rin ni Papa Albee Benitez ang pagpo-produce ng pelikula, kahit hindi na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Sayang talaga dahil hindi na matutuloy ang Gabby-Sharon reunion movie dahil hindi nga sila magkasundo.

Excited pa naman si Papa Albee sa project na mala-Ocean 12 ang kuwento pero malabo nang matupad dahil sa iringan nina Gabby at Sharon.

Anyway, naghahanap si Papa Albee ng ibang project na ipapalit niya sa nabulilyaso na tambalan nina Gabby at Sharon.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with