^

Pang Movies

Alden, nasa NYC ulit para sa one on one workshop

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Habang binabasa ninyo ito ngayon ay nasa New York City muli si Alden kung saan sasalang siya ng one on one workshop with Anthony Bova. Bago ‘yan ay nanggaling si Alden sa Las Vegas, Nevada kung saan dumalo siya sa katatapos na New York Festival Worlds Best TV and Films. Luckily nakakuha sila ng Silver throphy for Alaala at mga walong tropeo ang nakuha ng GMA.

Tuwang tuwa si Alden at hindi nasayang ang biyahe niya sa Las Vegas.

Sirkus goodbye na!

Hindi namin in-expect ang pagkamatay ng karakter ni Gardo Versoza sa Sirkus nitong huling Linggo. Bilang lider na si Master Leviticus, wala sa hinagap ng imagination namin na siya pa ang mawawala among the cast! Nakakaiyak ang eksena kung saan ipinakita ang hinagpis ng bidang kambal na sina Mia at Miko played by Mikee Quintos at Mikoy Morales, respectively.

Mula umpisa ay di talaga kami binigo ng Sirkus. Hindi lang kasi nakabibilib ang graphic designs nito, magagaling din ang mga bumubuo ng cast. And like the rest of the viewing public, ayaw pa naming matapos ang weekly series na ito ng GMA 7 na sa April 15 na ang finale episode. Wish namin na ma’extend ito at nagbibigay aliw din sa mga bata.  

 

 

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with