^

Pang Movies

Sharon, Joanna, Mary Joy, Bela, at Alessandra magsasalpukan sa 2nd Eddys!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sharon, Joanna, Mary Joy, Bela, at Alessandra magsasalpukan sa 2nd Eddys!

Joana, Sharon

Limang de-kalibreng pelikula ang magsasalpukan sa Best Film category ng 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa darating na June, 2018.

Pasok sa listahan ang Birdshot (TBA Studios); Deadma Walking (T-Rex Entertainment); Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla); Smaller And Smaller Circles (TBA Studios); at Unexpectedly Yours (Star Cinema).

Nominado naman para sa Best Actress category sina Joanna Ampil (Ang Larawan);  Mary Joy Apostol (Birdshot); Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours); Bela Padilla (100 Tula); at Alessandra de Rossi (Kita Kita).

Pag-aagawan naman nina Abra (Respeto); Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back); Edgar Allan Guzman (Deadma Walking); Aga Muhlach (Seven Sundays); at Ro­naldo Valdez (Seven Sundays) ang Best Actor award.

Tatlong special awards naman ang ipamimigay ng Eddys ngayong taon: ang Joe Quirino Award ay igagawad sa yumaong movie reviewer at professor na si Mario Hernando (Posthumous); Manny Pichel Award ay ibibigay sa Entertainment Editor at columnist na si Ricky Lo; at ang Producer of the Year ay igagawad kay Vic del Rosario, Jr., ng Viva Films.

Bibigyan din ng special tribute ang mga direktor na sina Maryo J. delos Reyes, Soxy Topacio, Maning Borlaza, Argel Joseph, ang aktres na si Isabel Granada at award-winning veteran actor na si Bernardo Bernardo.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para mas lalong maeng­ganyo, pataasin ang moral at patuloy na magbigay-inspirasyon sa mga Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na kasama sa pagbubuo ng isang matino at dekalidad na pelikula.

Jake panlalaki na ang boobs!

Wow, nag-topless ang transman na si Jake Zyruz sa beach sa Batangas ha. As in nagpakita na siya ng boobsie. At sa true lang, parang flat na nga ang dibdib ng singer. Sinabi na noon ni Jake na nagpatanggal na nga siya ng boobs.

Disabled ang comments section ng post niya. “Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha! #anguibbeach,” ang caption niya sa nasabing photo na lala­king-lalaki na ang hitsura.

Liz Uy binanatan sa pagiging homewrecker daw

Inilantad na ni Liz Uy ang anak niya sa umano’y isang married man. Walang isyu sa pagiging nanay niya pero nakaladkad ang baby kahapon nang i-post niya ito sa kanyang Instagram account.  Nag-trending ang pangalan ni Ms. Liz pagkatapos nun dahil sa umanoy pagiging homewrecker ng stylist na ex din ni John Lloyd Cruz.

Sinasabing kaibigan ng grupo nina Liz ang ama ng baby niya na si Raymond Racaza na mister ni Dr. Geraldine Zamora Racaza na isa sa Outstanding Young Men (TOYM) 2016 ayon sa isang source.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with