^

Pang Movies

Kaya hindi tinatablan ng mga naglalandi, young actor mas type ang kaibigang macho ng starlet!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sana makaramdam ang young female starlet na hindi siya type ng sikat na young male star. Ito’y kahit na siya pa ang payakap-yakap at kulang na lang ay pumatong at umindayog sa male star.

Sabagay, makalaglag-panty naman talaga ang young actor at grabe ang mala-bombilya niyang asset. Iba kasi ang type ng young actor, ‘yung machong friend ni girl.

Alaga ni Bruno bakat ang kadakilaan!

Na-sight ko si Camille Prats sa isang mall in QC. Ibang-iba ang awra niya at hindi agad makikilala. Dati nang maganda si Camille, isa siya sa mga artistang nagtataglay ng “the face that refreshes” (pahiram sa original na may-ari ng titulong ito na si Ms. Susan Roces). Hindi lang triple kung hindi times four ang iginanda ni Camille. Bakit? Eh kasi, mayroon na siyang forever sa katauhan ni VJ Yambao.

Mapapanood si Camille sa isang pang-umagang show sa GMA na Ang Forever Ko’y Ikaw with Neil Ryan Sese, Ayra Mariano, at Bruno Gabriel.

Nakakailang taping na siya para sa mga unang episodes ng said morning show nila kaya beauty rest pa rin ang ginagawa ng actress.

Tutukan n’yo ang new actor na si Bruno Gabriel na saksakan ng pogi. Well-built ang katawan niya at tipong malaki ang alaga dahil humugis sa kanyang suot na silk pants. Anak siya ng sexy aktres na si Lani Lobangco.

Call center agent na may tatlong anak, nawawala!

Pasasalamat po sa guwapo at machong barangay captain ng Dila, Sta. Rosa, Laguna na si Chairman Jose Peping Cartanio sampu ng kanyang staff sa ibinigay na assistance sa amin. Nagpa-blotter ako para sa missing daughter-in-law ko na si Cheeza May Rosales Remedios na missing since Feb. 26. Nag-report sa work niya sa call center sa Taguig si Cheeza Mae pero up to now ay hindi pa rin siya umuuwi. Ang mga tanod ang umayuda sa amin at ipinasa kami sa kanilang hepe na si Ronie Carvajal at night OIC Noel Bonatiela.

Salamat din po sa ayuda ni Konsehal Manny Badiola na po kami sa Calamba Police at Santa Rosa Police na may jurisdiction sa kaso. With the help of our God Almighty, I hope and pray the missing person is alive.

Thank you St. Michael D’ Arcangel! Alam namin na diringgin n’yo ang dasal namin na makauwi na si Cheeza May, hinihintay din po siya ng kanyang tatlong anak na sina Steeve, Seth, and Simon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with