^

Pang Movies

Yassi payag pasapaw kay Maja

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Walang problema kay Yassi Pressman kung sakaling ibalik si Maja Salvador sa FPJ’s Ang Probinsyano at lalong hindi rin issue sa kanya kung magkaroon pa ng ibang leading lady si Coco Martin sa serye.

“Okay lang po, siyempre,” nakangiting sagot ni Yassi nang tanungin siya ng entertainment press tungkol dito at the red carpet premiere night of Ang Pambansang Third Wheel held last Monday at the Cinema 7 of SM Megamall.

“It’s not my house naman, eh. I’m just following the story and I’m very, very lucky and honored na ako nga po ‘yung napili. Lahat po ng mangyayari sa kwento, nirerespeto namin and I’m excited for everything’s that’s going to happen.”

Kung babalik daw si Maja ay okay na okay naman daw sa kanya.

“Lahat po ng wine-welcome ng Dreamscape, okay po sa akin,” she said.

Natanong nga rin siya kung hindi ba siya afraid na mabawasan ang exposure niya sa dami ng mga bagong pumapasok na cast at aniya ay hindi raw dahil ‘yung mapabilang lang sa cast ng FPJAP ay sobra-sobra nang blessings at wala na raw siyang mahihiling pa.

Happy rin si Yassi sa showing ng Ang Pambansang Third Wheel na nagsimula na kahapon sa mga sinehan. Ito ang reunion movie nila ni Sam Milby na una niyang nakasama sa Camp Sawi pero hindi naman sila ang magkapareha.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Yassi ang papel na Trina na all her life ay parating third wheel sa mga friends niyang magdyowa until dumating sa buhay niya si Neo na ginagampanan naman ni Sam.

Directed by Ivan Andrew Payawal, Ang Pambansang Third Wheel is getting positive reactions from netizens because of its storyline and the chemistry between the lead stars who both starred in the movie Camp Sawi.

In explaining Yassi’s character, director Payawal said, “Gusto niya s’ya iyong priority pero dahil in-accept n’ya itong lalaki na ito sa buhay n’ya, kailangan n’yang mag-adjust.”

Pero hindi maamin

Inigo soulmate na si Maris

Soulmate ang tawag ni Inigo Pascual sa ka-loveteam ni Maris Racal pero kapag tinatanong mo kung ano ba ang status nila talaga ngayon, aniya ay wala raw silang label.

“You know, every interview that I do, I get asked this and matagal na naming sinasabi na walang label and all that, kasi kami, ‘yung tipong we don’t expect from each other. You know, we enjoy whatever we have, kasi pag nag-expect ka, do’n ka madi-dissapoint.

“So, pag nag-e-enjoy lang kayo, it’s perfect lalo na kung naiintindihan n’yo ang isa’t isa.

“So, mas nagpo-focus kami on every moment na meron kami, instead of focusing on what we should have or what we should do,” sabi ng anak ni Piolo Pascual.

Aniya ay hindi na raw dapat pang lagyan ng specific label kung ano man ang meron sila.

“Ang masasabi ko, masaya ako na nakakausap ko ‘yung soulmate ko na she understands what I like, I also understand what she likes.”

Soulmate talaga ang tingin niya kay Maris?

“That’s the easiest way to put it because we both like music, we both like the same things, and you know, I enjoy her company and I enjoy talking to her, being with her and there’s no better way to put it,” sabi pa ni Inigo.

Ang hindi alam ng young actor, mas mataas pa nga ang label na soulmates kaysa sa boyfriend/girlfriend status. Pero ang tanging nasambit na lang niya, “pero wala kaming kino-confirm ha?”

Inanunsyo na rin ni Inigo na gagawa sila ng movie ni Maris under Star Cinema, Spring Films at N2 Productions at ididirihe ni Boy 2 Quizon. Wala pa raw title ang pelikula pero ang sure, rom-com daw ito at maraming pakilig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with