^

Pang Movies

Anak ni Gretchen pinatos ang mga namamahiya sa hitsura ng kanyang katawan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak ni Gretchen pinatos ang mga namamahiya sa hitsura ng kanyang katawan!
Dominique Cojuangco

Nakatikim kay Dominique Cojuangco ang mga namimintas sa kanyang katawan.

Kahapon ay binuweltahan niya ang mga ito.

 “It isn’t alright. I head over to the video to find comments like ‘chubby’ and ‘diet lang.’ For a second, I thought that it was fine. I was raised in a loving environment that allows me to not be bothered by unsolicited remarks,” panimula ng anak nina Gretchen Barretto and Tony Boy Cojuangco sa mga namamahiya sa kanyang katawan sa isang video niya sa isang lifestyle YouTube channel.

“However, it isn’t alright and it really isn’t about me. None of us should tolerate body shaming or shaming of any sort!  

“Let’s not deem this as ‘normal’ – there’s space for change,” dagdag na pahayag niya sa kanyang IG account.

“I hope that today and everyday we can be the type of people that lift each other’s spirits:) Whether you’re less than a size 0 or over a size 12...

“Happy women’s month to females of all shapes, race, age, and religion.”

Naging proud naman si Gretchen sa ginawa ng nag-iisang anak.

Dolphy at Dino

Isa pang anak ni Mang Dolphy sumunod na sa kanya

Nagluluksa ang pamilya Quizon kahapon sa pagpanaw ng isa sa mga anak ni Mang Dolphy na si Dino.

Si Zia Quizon ang nag-post ng pamamaalam sa kanyang kapatid. “Goodbye, Kuya Dino. I still can’t believe you’re gone. You were still so young and had so much li­ving left to do. And you were so full of life. And love. And laughter. I hope you find peace. I hope you and Papa find solace in each other’s arms. We know you missed him dearly. And now we’ll all miss you. 
“Naalala ko nung pauwi ka na ng States. Nung nailibing na natin si Papa. Na napanaginipan mo siya. Nakaupo sa silya niya. Sa tabi mo kung saan ka natutulog noon. Na parang andun pa siya. Na parang totoo. Ibinilin mo sa akin na ingatan ko ang silyang yun. Andito pa siya sa akin. Na sa may bintana. Minsan nga, dun tumutungtong ang aso ko. Hinihintay akong umuwi. Nagaabang. Ngayon, magaabang na din ako dito. Na mapanaginipan din kita. Na makapagpaalam ng maa­yos. Na makita ka muli. O magising man sana. Kasi parang hindi totoo
,” ang nakakaiyak na post ni Zia.

Base sa Facebook account ni Dino, sa Amerika siya naninirahan sa kasalukuyan.

Sinasabing naging aktor din pan­samantala si Dino at nakasama niya ang ama sa Home Along Da Riles noon.

vuukle comment

DOMINIQUE COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with