^

Pang Movies

Sam pumiyok sa third party sa hiwalayan sa ex

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sam pumiyok sa third party sa hiwalayan sa ex

Yassi at Sam

Nilinaw ni Sam Milby na walang third party involved sa break-up nila ng TV host/blogger/model na si Mari Jasmine. They broke up five months ago at ang ex-GF daw ang nakipag-break sa kanya.

Ayon kay Sam, inakala raw niyang si Mari na ang “the one” for him at siyempre, in any relationship naman daw talaga, you always hope na siya na ang last.

“Especially, I’m getting older, tapos lahat ng kaibigan ko, kasal na, may anak na, yeah, you always hope that she’s the one, but this time talaga, I’m real­ly praying na kung sino man ‘yung next, siya na talaga,” pahayag ni Sam kahapon sa grand mediacon ng movie nila ni Yassi Pressman na Ang Pambansang Third Wheel.

Sa ngayon ay ayaw daw muna niyang pumasok sa bagong relationship since fresh pa nga ang break-up nila ni Mari pero alam niyang darating din naman ang right girl for him.

Pareho silang single ngayon ni Yassi at sa trailer ng Ang Pambansang Third Wheel ay maraming pumupuri sa chemistry nila at ani Sam ay natutuwa naman daw sila sa good comments sa tambalan nila.

Kaya naman hindi kataka-taka kung ang daming nagtatanong kung posible bang maging sila.

Pero-pareho nilang ipinahayag na hindi pa raw sila ready for a relationship right now. Si Sam, dahil nga kagagaling lang niya sa break-up at si Yassi naman, sobrang busy raw niya sa kanyang career ngayon.

“Wala pa po ako du’n sa mindset na ‘yun nga­yon. Grabe pa rin po ang taping namin sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya rin po nagtagal bago namin nailabas itong pelikula. So, hindi pa po siguro ngayon,” ani Yassi.

Yassi sanay nang maging third wheel

Sa presscon ay ipinaliwanag din ni Yassi kung ano ang meaning ng “third wheel” at aniya ay iba raw ito sa “third party”.

“Ang isang third wheel po ay isang taong laging kasama ng mga couples, either friends, or kung saan man siya napapadpad kasi, wala siyang matatawag na sarili niya na love, kaya po sumasama siya mga barkada niya. Siya po ‘yung taga-decide kung saan kakain, siya ‘yung taga-picture ng mga couple photos nila. Siya ‘yung laging nag-aantay lang ng sarili niyang love,” paliwanag ni Yassi.

Aminado si Yassi na lagi na nga raw siyang third wheel sa isang couple.

“Ang dami ko pong mga friends, kahit noon, like JaDine (James Reid and Nadine Lustre) or sa mga loveteams, sila po ‘yung laging nagkakatuluyan, tapos ako ‘yung friend, ako ‘yung taga-picture,” natatawa niyang sabi.

At siyempre, sa parents niya ay third wheel din siya pati sa kanyang mga kapatid.

“Minsan, third wheel ako kay Mommy, kay Daddy, third wheel ako sa sister ko, so, sobrang normal po.”

Sa pelikula ay si Trina ang karakter niya at ipakikita raw nito ang lahat ng klase ng third wheel.

Showing na ang Ang Pambansang Third Wheel sa March 7 mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal hatid ng Viva Films at Idea First Company.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with