^

Pang Movies

Miho nagpasalamat pa sa hiwalayan nila ni Tommy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kung sa Twitter nagbigay ng pahayag si Tommy Esguerra hinggil sa hiwalayan nila ni Miho Nishida, dito rin nagbigay ng kanyang stement ang Big Winner ng Pinoy Big Brother 737.

Last Tuesday ay sunud-sunod ang tweets ni Miho regarding the break-up. Ang una niyang post ay paghingi ng paumanhin sa kanyang fans and followers dahil ngayon lang siya nagsalita.

“Hello! guys! Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako nagsalita. Alam ko po na naiintindihan niyo po ang pinagdadaanan ko,” unang tweet niya.

Ang pangalawa niyang tweet ay paghingi pa rin ng paumanhin.

“Sa mga fans po nagmahal at nagtiwala po sa aming dalawa ramdam ko po yung lungkot na nararamdaman niyo at humihingi po ako ng paumanhin,” post niya ulit.

Pagkatapos nito ay puro pasasalamat na ang kanyang posts.

“Lubos po akong nag papasalamat sa ibinigay niyo pong suporta mula sa simula.

“Wish ko po sana na suportahan niyo po kami sa kanya-kanyang landas na tatahakin namin,” tweets ni Miho.

Amalia hindi agad nalaman ang pagkamatay ng asawa

Sumakabilang-buhay na ang dating matinee idol at asawa ni Amalia Fuentez na si Romeo Vasquez noong May 2 sa US.

Base na rin sa Instagram post kahapon ng madaling-araw ng kanyang apong si Alyanna Martinez (anak ni Albert Martinez and the late Liezel Martinez) na naninirahan na rin sa US, tila sa hospital pumanaw si Bobby dahil ang naka-indicate sa location niya ay Kaiser Permanente Hospital.

“I love you #LoloBobby.Say Hi to Mama for me. Why are the good ones always gone too soon,” ang unang post ni Alyanna kahapon ng madaling-araw.

Sumunod na post ni Alyanna ay old picture ng mama niyang si Liezel at ni Romeo. In her caption, she wrote, “Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary #LoloBobby.”

Sumunod na post niya ay series of pictures ng lolo Bobby niya with her family during happier times na nakakalungkot naman talagang tingnan. Sa caption ay inilagay naman niyang “will always remember only the good times #LoloBobby.”

Sa Facebook account naman ng veteran actress at colleague ni Bobby na si Divina Valencia ay ipinost niyang “Nakakalungkot. Wala na si Romeo Vasquez RIP”. Sa comments section ay sinabi niyang cardiac arrest daw ang ikinamatay ng veteran actor. Ayon pa sa isang nag-comment, hindi pa raw alam ni Amalia (as we write this column) ang malungkot na balita dahil ayaw daw biglain.

vuukle comment

TOMMY ESGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with