^

Pang Movies

Carla dismayado, reklamo sa kinatay na aso sa pelikulang oro, ibinasura

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Bigo ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) na makasuhan ang producers at director ng Oro. Ibinasura kasi ng Assistant Prosecutor ng Pasig City ang reklamo nila kaugnay ng kinatay na aso sa festival movie.

Nabalewala ang effort ng PAWS na bigyang katarungan ang pagkamatay ng aso kahit nga may admission ng pagpatay sa aso mula sa director at iba pang kasama sa pelikula.

Nalungkot din siyempre ang animal welfare advocates gaya ni Carla Abellana. Animal lover ang Kapuso actress kaya sa post niya sa Instagram, nakalagay ang asong pinatay sa movie with caption na, “And the terrible news just keep rolling in.”

Ni-repost ni Carla ang mensahe sa Facebook ng PAWS na handa namang gumawa pa ng legal moves upang ipagpatuloy ang kanilang laban.

Comeback movie sana ng director naudlot!

Natengga ang comeback movie ng isang director. Nagustuhan man ng producers ang ginawang script, hirap naman sa pagkuha ng leading man.

Sikat pa naman ang leading lady ng movie. Feeling tuloy ng producers, nagkakaubusan na ng leading man, huh!

Halos lahat kasi ang potential leading man ay may series na ginagawa sa kanilang network. Siyempre, priority nila ‘yon dahil regular ang kita.

Malungkot nga lang ang director dahil matagal na siyang bakante sa pagdidirek. Kung kelan may kumagat sa producers sa istorya niya, saka naman nagkaroon ng bagong problema, huh!

AiAi may paandar sa mga yaya

Gumagana ang utak ni AiAi delas Alas para umingay na ang Regal movie niyang Our Mighty Yaya.

Halatang inspirado si AiAi sa bagong movie matapos manalo ng Best Female Actor Award sa katatapos na Queens International Film Festival. Ibang putahe nga naman ang handog niya sa pelikula na tribute niya sa mga yaya.

May binabalak na pakontes si Ai para sa mga yaya. Inaayos na ang detalye nito at malalaman ito sa kanyang official Facebook fan page.

Maging sa pagbigay ng premyo ay all-out ang Comedy Queen. May cash na, may in kind pang prizes.

Basta movie niya, handang tumulong sa promotions at gastos si AiAi. Kaya nga hindi pa man naipapalabas ang OMY, gusto na siyang papirmahin ni Mo­ther Lily Monteverde ng tatlong movie contract, huh!

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with