^

Pang Movies

Nakakarating na sa Jupiter,Aktor na nasa rehab malabo na raw gumaling

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kaloka ang aktor na nalulong sa masamang bis­yo dahil hindi na yata babalik ang katinuan niya.

Ipinasok sa rehabilitation center ang aktor na naki-cooperate naman kaya inakala na mapapadali ang paggaling niya.

Pero naloka ang mga nag-aalaga sa aktor dahil sa dialogue nito na may kakayahan siya na makarating sa planetang Jupiter.

Ang pralala ng aktor ang nagkumbinsi sa mga tao sa paligid niya na matindi ang epekto sa kanya ng masamang bisyo kaya hindi na uli siya magiging normal.

Fashion designer na si Francis Libiran kasal na sa lalaki

Bilib ako sa BFF ko na si Pinky Tobiano dahil lagare siya sa biyahe as in parang ginawa lang niya na Quiapo ang Thailand.

Kararating lang ni Mama Pinky mula sa Bangkok pero bumiyahe agad siya sa Boracay dahil hindi niya puwedeng isnabin ang kasal ng fashion designer na si Francis Libiran.

Kabilang si Mama Pinky sa limited invited guests ni Francis na nakipag-isang dibdib kahapon sa kanyang karelasyon na si Christian Mark Jacobs.

Close friends sina Francis at Mama Pinky dahil si Francis ang gumawa ng wedding gown ni Mama Pinky nang magpakasal ito sa Grand Canyon sa US noong October 2014.

Showbiz personality  may itinatagong mga anak

Walang big news ang reklamo ng mga showbiz reporter pero sa totoo lang, maraming balita na hindi nila puwedeng isulat o i-share dahil sa kanilang friendship sa mga artista na involved sa mga kontrobersya.

For example, kumpleto ang mga impormasyon at pictures tungkol sa pagkakaroon ng mga anak na itinatago ng isang showbiz personality pero hindi mailabas ang balita at ang mga katibayan, alang-alang sa mga inosenteng bata.

May mga konsensya ang entertainment press dahil iniisip din nila ang magiging epekto ng isyu sa mga sangkot na personalidad.

Pero imposibleng hindi dumating ang araw na malalantad din ang katotohanan dahil kadalasan, ang mga starring sa showbiz scandal ang hindi nakakatiis na hindi magsalita, lalo na kung nakaka-feel sila ng pagkaagrabyado.

Boss Vic tumanggap ng Magda Award

Congrats kay Boss Vic del Rosario dahil siya ang recipient ng Magda Award ng MYX Music Awards na ginanap sa Kia Theater noong Huwebes.

Ang Magda Award ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng MYX Music Awards sa mga personality na malaki ang naitulong sa music industry ng bansa.

Mahirap nang mapantayan at malagpasan ang achievements ni Boss Vic bilang record producer. In fact, ginunita ngayong taon ang 50thanniversary ng Vicor Music Corporation, ang number one recording company na itinatag nila noon ng kanyang pinsan, si Boss Orly Ilacad, ang producer ng OctoArts Films.

Kukulangin ang espasyo ng column ko kapag inisa-isa ko ang mga singer na pinasikat ng Vicor, pati na ang mga hit song ng kompanya nina Boss Vic at Boss Orly.

Nagpatuloy ang pagtulong ni Boss Vic sa music industry ng Pilipinas nang itatag niya ang Viva Records na active ngayon sa pagtuklas ng mga talented singer.

vuukle comment

FRANCIS LIBIRAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with