^

Pang Movies

Drama actress at pulitikong BFna ma-pride, tuluyang naghiwalay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balitang tuluyan na raw nagkahiwalay ang drama actress at ang kanyang boyfriend na politician.

Ilang beses na raw kasing naghiwalay at nagkabalikan ang dalawa. Hindi raw matapus-tapos ang away-bati nila. Hanggang sa tinuldukan na raw ni drama actress ang relasyon nila.

Ilang tao na kasi ang nagsasabing “incompatible” silang dalawa. Pero pilit pa rin nilang tinuloy ang kanilang relasyon kahit na may mga hadlang, lalo na sa parte ni drama actress.

Marami ring mga demands ni politician kay drama actress. Pinapatigil na raw niya itong mag-artista para maging maayos ang pagsasama nila. Nag-suggest pa raw si Politician na um-attend sila ng couple’s therapy para malaman nila ang problema sa pagsasama nila.

Pero may sariling pag-iisip si drama actress at sa simula pa lang ng relasyon nila ay independent na ito. Never itong umasa sa anumang alok ni politician na buhayin siya at ang kanyang pamilya.

Kuwento pa ng aming source: “Parehong may-pride kasi kaya hayan, tuluyan na raw silang naghiwalay.

“May nakakakita kay drama actress na may dala-dalang mga maleta palabas ng sosyal na condo building na naging love nest nila ni politician.

“Mukhang nag-move out na siya roon at bumalik na sa bahay nila.

“Sayang ang pagsasama, pero kung puro pride lang sila, walang mangyayaring maganda sa samahan nila.”

Maui tinarget ng mayor

Ang dating sexy actress pala na si Maui Taylor ang na-blind item noon na nililigaw-ligawan ng isang mayor noong nakaraang taon.

Sa programang Mars ikinuwento ni Maui ang pag-flirt sa kanya ng isang politician. Akala niya na nagiging friendly lang sa kanya ito, ‘yun pala ay may ibang agenda ang politician sa kanya.

Nagsimula raw ito sa texting with matching smiley emoji at puso.

Hindi raw ito sinasagot ni Maui, pero panay pa rin daw ang text nito sa kanya. Umabot daw ng higit sa one month ang pangungulit nito sa kanya.

Pero nagkita raw ulit sila sa isang campaign. Kinompronta na raw ito ni Maui at tinanong niya rito ng “Anong trip mo?”

Sagot daw sa kanya ni mayor ay “Wala pinapa-smile lang kita.”

Iniwasan na lang daw ni Maui ang naturang mayor at naka-block na raw ang numero nito sa kanyang phone para hindi na siya mapadalhan ng mga malalan­ding text messages nito.

Jennifer Garner nagbago ang isip sa divorce sa aswang si Ben Affleck

Inatras ng Hollywood actress na si Jennifer Garner ang divorce niya sa estranged husband na si Ben Affleck.

Noong nakaraang buwan lang ay inanunsyo ni Jen na handa na siyang mag-file ng divorce kay Ben dahil pakiramdam niya ay hindi na sila magkakabalikan pa nito.

Naghiwalay ang da­lawa noong June 2015 noong malaman ni Jen na nagkaroon ng affair si Ben sa nanny ng kanilang dalawang anak.

Sinubukan nilang maging co-parent sa mga bata at nakatira lang si Ben sa isang bahay na katabi lang ng marital home nila.

Pero noong handa na si Jen na mag-file ng official divorce, umatras ito.

“Jen has called off the divorce. She really wants to work things out with Ben. They are giving things another try,” ayon sa People magazine.

“There is always a chance of reconciliation. They love each other. They also really, really love their kids, and those kids love their parents.”

Sa isang interview ni Ben, sinabi nito na maayos naman ang arrangement nila sa mga bata.

“I like taking my kids to school in the morning and dropping them off and having them know their dad is there. That feels good.”

Ramdam naman daw ni Jen na may effort na si Ben para hindi matuloy ang divorce nila.

 

vuukle comment

JENNIFER GARNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with