^

Pang Movies

Vin masama ang tama kay Ellen

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa totoo lang, parang natagpuan na ni Vin Abrenica ang babaeng magiging ka-love team niya, at ito ay si Ellen Adarna.

Pero between Vin and Ellen, mas totoong hindi pa niya (Vin) masabi kung sino ang kanyang girlfriend, but not Ellen, kasi knows natin ang past love niya.

If ever na pareho silang loveless at sila ang magka-loveteam sa pelikulang Moonlight Over Baler, e, di napakaganda at timing ang pagtatambal ng dalawa.

Ang Moonlight Over Baler ay isang napaka-romantikong pelikula na hitik sa pagmamahalan at debosyon ng magsing-irog na bumagay sa katauhan nina Vin at Ellen, na kapag tiningnan mo sila na magkasama, magkayakap, nag-uusap, nagtatama ang mga paningin, feeling mo ay very sincere sila sa isa’t isa.

Pero how true na pareho na raw nahuhulog sa isa’t isa ang kanilang mga damdamin? Parang ayaw daw kasing alisin ni Vin ang pagkakatitig niya sa mukha ni Ellen noong sila ay nagsu-shooting.

Sabagay, ang ganda-ganda ni Ellen, kaya pala halos mabaliw ang isang guy sa kanya. Maganda, seksi, at matalino pa ang aktres.

Anyway, ang Moonlight Over Baler ay tipong true story na base sa isang dilag na hanggang sa kasalukuyang panahon ay hinahanap pa rin niya ang kanyang boyfriend na isang Japanese soldier.

Ang direktor na si Gil Portes na related sa dilag ang may idea ng kasaysayan ng babae na kamag-anak niya.

Maganda ang love story nito, kaya pinasulat niya ang story kay Eric Ramos at isa pang kababayan ni Direk Gil. Ang T-Rex Production ang nag-produce nito.

Nang mabuo nila ang story, agad nasa isip ni Direk Gil sina Vin at Ellen na wala pang masyadong exposure sa showbiz pero pinag-uusapan na dahil sa mga controversy na kanilang kinasasangkutan.

First movie ito na pagtatambalan nina Vin at Ellen, heto na kaya ang simula ng kanilang forever?

Kasama rin sa cast ng Moonlight… ay sina Sophie Albert, Menggi Cobarrubias, Daria Ramirez, Aaron Yanga, Abel Estanislao, Angie Ferro, Benjie Felipe, Jess Evardone at Elizabeth Oropeza.

Mga nasasakupan ni Jhong may sinabi

Ito palang Gong Master ng Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime na si Jong Hilario na isang elected konsehal sa distrito niya sa kanilang lugar ay well-loved ng mga taga-roon.

Masyado raw kasing malambot ang puso niya, hindi siya mahirap lapitan ng mga mahihirap na tao, open arms siya lalo na sa mga may sakit. Naku Konsehal Jong, pagpapalain ka ng Diyos! Keep it up!

Belated Happy Valentine’s Day mga tsufatid!

vuukle comment

VIN ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with