^

Pang Movies

Suot na gown ni Maja dire-diretso raw sa kanyang flower!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang laki ng ipinagbago ni Maja Salavador nang iharap siya sa entertainment press para sa isang Kapamilya serye na ieere na ngayon, bisperas ng Araw ng mga Puso o Valentines Day. Ito ang Wildflower na sadyang ginawa ng production unit ni Direk Ruel Bayani na ever since pala ay siyang nagbigay ng big break sa ilang serye na nilabasan ni Maja.

Bahagyang nawala si Maja sa Kapamilya at ngayong 2017, sa kanyang pagbabalik, bigger break ang ibinigay sa kanya sa role ng isang babaeng sinaktan, dinurog ang karangalan, ginawang basura ng mga taong ginamit ang kapangyarihan at salapi na nakalimutan na may mas makapangyarihan sa kanila.

Nakalimutan nila na bilog ang mundo, umiikot at humihinto sa tamang panahon. Parang namamalik-mata lang si Maja sa big night at feeling new discovered nang humarap sa movie press.

Ibang-iba ang dating niya, napakaganda niya at hindi niya napigilang lumuha dahil sa rami ng blessings na dumarating sa kanya.

Talaga yatang walang pangit na Salvador, mapa-lalaki man o babae. Kundi ako nagkakamali ang suot na gown ni Maja ay sa gitna ang slit at diretso sa kanyang wildflower!

Basta thankful daw si Maja sa napakagandang regalo ng 2017. At promise niya, mas lalo siyang magpapakapropesyonal. Maghihiganti siya para sa hustisya ng mga magulang na sina Dante (Christian Vasquez) at Camia (Shunshine Cruz) sa story.

Pero sa real life, alang-alang sa pagmamahal sa kanyang sariling pamilya kaya siya mag-aambisyon na mas mapalago pa ang showbiz career.

Makakasama rin ni Maja sa Wildflower sina Aiko Melendez, Priscilla Meirelles, Tirso Cruz III, Vin Abrenica, Joseph Marco, RK Bagat­sing at marami pang iba.

Tuluyan nang naging bakla Dating action star, napagtapos sa pag-aaral ang lalaki!

Heto ang isang pick up news mula sa ka-siete kong tsismoso na dating taga-Mericks Films. Sabi niya, natuluyan na raw sa pagka-mujer (read: babae) ang isang dating action star.

Pero ang masaklap, ang kanyang mga naipundar na kayamanan ay isa-isang nagi-give-away sa kanyang nakakarampa sa kama.

Well, what is new naman sa buhay ng mga tsufatid. E, bakit naman sila magkaka-lovelife kung wala silang give-sung.

Hayaan na lang natin silang lumigaya. At least, isa lang ang humaharas sa kanya, saka hindi pa naman nauubos ang mga naipundar niya. Saka napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang bedmate at hindi naman siya iniiwanan, ok na ‘yun. Inggit ka lang! Hmmpt!

Happy Valentine’s Day to each and everyone! May puso o walang puso, enjoy!

vuukle comment

MAJA SALAVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with