^

Pang Movies

Elizabeth talunan sa Binibini dahil sa pandadaya ng edad

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi ni Elizabeth Oropesa sa isang panayam na masaya raw siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya ni Direk Gil Portes sa pelikulang Moonlight Over Baler.

Magkaibigan na sila ni Direk Gil noong producer palang ang director sa El Oro Films.

Nagkaideya raw si Direk Gil na ibigay kay Beth ang papel ni Sophie Albert ‘pag tumanda na ito dahil may hawig din sila at bagay sa senior actress ang role.

Gaganap na teacher si Beth sa pelikula at ang magiging leading man nila ni Sophie ay si Vin Abrenica.

May nakakatuwang kuwento si Beth, sumali raw siya sa Bb. Pilipinas noong araw at muntik siyang manalo. Ang problema, dinaya ng kanyang ina ang edad at sinabing 18 years old na siya kahit 15 years old lang talaga.

Ang naibigay na title sa kanya ay Miss Luzon.

Maxine hinihintay kung mag-aartista rin

Anyway, napag-usapan na lang din ang kuwentong beauty queen, inaabangan ng ating mga kababayan kung sinu-sino sa mga kandidata ng Miss Universe ang magiging artista.

Ilan kasi sa mga beauty queen ang naging artista pagkatapos manalo ng titulo. Kabilang sa mahabang listahan sina Gloria Romero, Gloria Diaz, Techie Agbayani, Pilar Pilapil, Ruffa Gutierez, Megan Young, Evangeline Pascual, Melanie Marquez, Rosemarie de Vera, Jean Saburit, ang yumaong si Maria Tere­sa Carlson, Eva Reyes, Dang Cecilio, Alice Dixon, Alma Concepcion, Joanne Quintas, Liza Lorena, Jennifer Cortez, ang yumaong si Chat Silayan, Miriam Quiambao at marami pang iba.

Malaking ambag sa showbiz ang mga beauty queen nating naging artista at nagpapatunay lamang na talagang nasa Pilipinas ang mga pinakamagagandang babae sa balat ng lupa.

Si Maxine Medina kaya na pambato ng bansa ay sumunod din sa yapak ng mga nabanggit na beauty queen?

Personal…

Nakikiramay kami sa pamilya Mendoza ng San Rafael, Bulacan sa pagyao ni Nanay Conchita Mendoza noong January 24. Kilalang personalidad sa Baliwag si Nanay Conching na may-ari ng pinakamalaking tindahan sa nasabing lugar.

 

vuukle comment

ELIZABETH OROPESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with