^

Pang Movies

EA inuunti-unti ang pagpapagawa ng bahay!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa mga sunud-sunod na projects ni Edgar Allan Guzman ay nakapag-ipon na ito ng pampatayo ng bahay para sa kanyang pamilya.

Ito kasi ang matagal nang pangarap ng dating Mr. Pogi winner na makapag-ipon at makapagpagawa ng magandang bahay.

Kasalukuyan kasing nakatira sa isang rented apartment ang pamilya ni Edgar Allan sa Pasig City.

Sa bandang Pasig din daw ang nabiling lote ni Edgar Allan at sisimulan na ang mga plano para sa ipatatayo niyang bahay. “Marami pang kailangang gawin kaya paunti-unti muna ang mga plano natin.

“Kaya maganda rin ang pasok ng 2017 for me kasi heto may movie kaagad ako na Tatlong Bibe kunsaan ako ang gaganap na ama ni Raikko Mateo.

“Tapos tuluy-tuloy pa rin po ang teleserye na Doble Kara sa ABS-CBN 2.

“Kaya sobra akong thankful na hindi tayo nawawalan ng trabaho,” pagtapos pa ni Edgar Allan Guzman.

Mga manliligaw ni Joyce natakot kay Kristoffer

Itinanggi ng mga bida ng GMA afternoon teleserye na Hahamakin Ang Lahat na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching na nagkabalikan na sila noong nakaraang Pasko. Marami kasi ang nakapansin na extra sweet ang dalawa sa tapings nila kaya may mga nag-akala na muling nagkabalikan ang dalawa. “Hindi pa po,” mabilis na sagot ni Joyce.

“Kami naman ni Kris, ganyan lang kami. May lambingan moments lang kami sa set.  But it doesn’t mean na kami na ulit.”

Sumang-ayon naman si Kristoffer dahil mas maganda pa raw ngayon ang relasyon niya kay Joyce bilang magkaibigan sila kesa noong may relasyon sila.

“Kasi maraming bawal sa akin noong kami pa. Hindi siya puwedeng mag-shorts or mag-sleeveless. May mga gano’n akong rules noon. Doon kami nagkakaroon ng problema.

“Ngayon since wala naman kaming relasyon, malaya siyang isuot ang gusto niya and okey lang sa akin.”

Malayang tumanggap ng mga manliligaw si Joyce pero hindi raw priority ng aktres ang magkaroon ng boyfriend.

Noong nakaraang birthday nga raw ni Joyce ang naging regalo ni Kristoffer ay “pagmamahal”.

vuukle comment

EDGAR ALLAN GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with