^

Pang Movies

Gary V may coverage sa paglabas ng apo!

- Vinia Vivar - Pang-masa
Gary V may coverage sa paglabas ng apo!
Samantha at Paolo

Isinilang na ang unang apo ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na anak ng panganay niyang si Paolo Valenciano and wife Samantha Go­dinez.

Ito ang magandang balitang inanunsyo kahapon ng Manila Ge­nesis Entertainment and Management Inc. ni Angeli Pangilinan-Valenciano na asawa ni Gary V. at manager ng mag-aamang Valenciano.

Ayon sa Instagram post ng Manila Genesis kahapon, Samantha gave birth to a healthy baby girl na papangalanang Nataleia Martine at may nickname na Leia.

“BREAKING NEWS? Photographer/graphic designer Samantha Godinez-Valenciano gave birth to Nataleia Martine-- her first child with husband director/singer Paolo Valenciano on November 2 at 1:21am at an undisclosed hospital.

“Samantha is the daughter of sound expert Jaime and Gina (Tabuena) Godinez. Nataleia “Leia” Martine who weighed 7.9 lbs is the very first grandchild of the Godinez couple, as well as Paolo’s parents, singer/performer Gary V and his wife Angeli (Pangilinan) Valenciano.

“I’m speechless, dumbfounded... blessed... I remember Paolo...the day he was born,” say ni Gary V.

“Present at the hospital while Samantha was in labor with Paolo by her side apart from their parents were their respective siblings, Gab and Kiana Valenciano as well as Alex and Mikel Godinez and some close relatives. Both the mother and the child are doing very well,” ang post ng Manila Genesis.

Congratulations to Paolo and Samantha at sa mga bagong lolo at lolang sina Gary V. at Angeli.

Jennylyn gustong bumalik sa pagkabata

Na-cremate na nung Oct. 31 ang labi ng nanay ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia Mercado na matatatandaang pumanaw noong Oct. 29 sa gulang na 74.

Hindi na pinagtagal pa ng pamilya ang burol dahil wala naman daw hinihintay mula sa abroad.

Tahimik lang na ipinagluluksa ni Jen ang pagyao ng ina-inahan at isang beses lang nag-post ang Ultimate Star sa kanyang IG account tungkol dito.

“All my life, I kept wishing to grow older so I could finally move out and do my own thing. But now, I wish I could just turn back time to be a child and hug Mom again,” ang nilalaman ng quotation na ipinost ni Jen.

Dating sexy star na si Liz Alindogan na-bankrupt sa pelikulang isinali sa Cinema 1

Nagka-trauma pala ang former sexy star na si Liz Alindogan sa sinapit ng kanyang ginawang pelikula tatlong dekada na ang nakakaraan, ang Diary of Vietnam Rose na idinirihe ni Celso Ad. Castillo.

Ang nasabing movie ay si Liz ang nag-produce at siya rin ang bida.

Sa presscon ng Cinema One Originals Film Festival ay napaiyak pa ang dating sexy star sa pagkukuwento.

“Hindi natapos ‘yung pelikula, ang tagal na nu’n. Mas­yado akong ambisyosa. Gumawa ako ng pelikula, 19 years old lang ako, tapos, ayun,” simula ni Liz.

Patuloy pa ni Liz na naging emosyonal na, “maganda ‘yung mga pangarap ni Celso Ad. Castillo. Nagka-trauma ako dito. Tapos, ayun. Maganda, binigyan ako ng chance na matapos dahil kay Direk (John Torres).

“Kala ko, hindi na ako gagawa ng ganito. Itinago ko na talaga ito.  Buti na lang, naitago ko siya sa FPJ studios. Tingnan mo, kahit wala na si Fernando Poe, Jr., naitago ko pa rin ang mga footages do’n. Ang tagal-tagal, 10 years nasa ilalim ng kama ko, hindi natapos kasi na-bankrupt ako.

“Naubos lahat, tapos natakot, nagtago.

“Tapos, ayun, andito na ulit ako, kaya thank you, Cinema One,” she said.

Ngayon ay People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose na ang title ng movie na tinapos na ni Direk John.

“Lumapit sa akin si Isabel Lopez and Liz Alindogan to finish ‘yung film na syinut nila 30 yrs. ago. Since 30 yrs na siya, wala nang pag-asa na matuloy nila ang pelikula at wala na rin si Celso Ad. Castillo. So, since documentary naman siya, ginagamit natin ‘yung footage 30 years ago to provide visual material to the narration of the making of the film,” pahayag ni direk John.

Mapapanood ang C1 Originals Filmfest simula November 14 hangang 22 sa Trinoma, Gateway, Greenhills at Cinematheque.

vuukle comment

MR. PURE ENERGY GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with