^

Pang Movies

Female host-actress, may distansiya sa mga katrabaho

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Umastang parang reyna nang dumating ang isang female host-actress sa isang selebrasyon ng  taong naging malapit sa kanya!

Halos lahat ng nakatrabaho ng male personality ay naging bahagi ng selebrasyon kahit starlet lang ang level nila basta naging bahagi ng career ng male personality.

Pero kung ang iba eh very humble na nakihalubilo sa mga present sa event, ayon sa aming source eh may distansiya si female host sa ibang kasama.

Tanging isang guest lang daw ang binati ni female host samantalang ‘yung iba eh lumampas ang tingin sa kanila ni female host!

Direk Lino, magiging visible na

Naku, magiging visible na ang PTV manager na si director Lino Cayetano sa publiko!

Si Direk Lino ang bagong appointed na Presidential Communications Office Secretary!

Pinalitan ni Direk Lino si Dave Gomez na na-bypass ng Commission on Appointments.

Alam nang lahat na may silent feud ang magkapatid na Lino at Senator Alan, huh!

Heart, kinainggitan

Kinaiinggitan ang fotos at videos ng global fashion icon na si Heart Evangelista nang makatabi niya sa upuan ang Kpop star na si Tae Min sa Maison Margiela sa Paris Fashion Week!

Isa si Sharon Cuneta sa kinilig kina Heart at Tae Min na minsan na ring nakita ng megastar!

Sinabi ni Heart sa chikahan nila online ni Sharon, napakabait ni Tae Min kaya naman napasabi ang aktres na, “Shanaol”

Second time na ni Heart may makasamang K-pop.

Samantala, muli na namang umugong ang umano’y hiwalayan ni Heart sa asawang si Senador Chiz Escudero dahil sa isang mahiwagang post ng host-actress.

 

 

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with