BINI, may tatlong entries sa Grammy

Naghabol ng global recognition ang BINI matapos magsumite ng tatlong entries para sa 2027 Grammy Awards.
Inanunsyo ng Star Music noong Oct. 12 ang submissions at nagpahayag ng suporta sa Nation’s Girl Group.
“Let’s keep supporting BINI, and Filipino music and talent as we take our step to the global stage.”
Kabilang sa entries ang Unang Kilig para sa bagong kategoryang Best Asian Pop Music Performance na magde-debut sa 69th Grammy Awards.
Isinumite rin ang A Parallel World mula sa DreamWorks film na Forgotten Island para sa Best Song Written for Visual Media, at ang grupo mismo para sa Best New Artist na kumikilala sa artist na nakagawa ng breakthrough.
Umani ito ng excitement sa mga Pinoy na umaasang mano-nominate ang BINI.
Ayon sa Recording Academy, mahigit 20,000 entries ang natatanggap kada season at daraan pa ang lahat sa masusing vetting at dalawang round ng botohan, matapos magsara ang submission period noong August.
Shaira at EA, nagpa-throwback sa umpisa ng kanilang relasyon
Ipinagdiriwang nina Shaira Diaz at EA Guzman ang 13 years ng kanilang pagmamahalan.
Sa isang Instagram post, nagbahagi ang host ng Unang Hirit ng throwback photo kasama ang kanyang long-time partner habang sumasali sila sa Na Para Bang trend ni Mariah Deborah.
Makikita sa photos ang una nilang sayaw sa entablado 13 taon na ang nakalipas, na lalong nagpaganda sa throwback habang ipinagdiriwang nila ang isa na namang milestone sa kanilang relasyon.
Sa bawat photo ay nilagay ni Shaira ang words na ito…
“Who knew one dance would lead me to you?”
“Living and loving every moment. Learning and growing together”
“And now, I get to dance with you forever.”
Caption naman niya sa post: “Hayyyyy juskoooo. 13 years together, pinakamamahal ko pero yung last photo talaga sorry HAHAHAHA.”
Nagsimulang mag-date sina Shaira at EA noong 2013 at ikinasal sa isang church ceremony sa Silang, Cavite noong Aug. 14, 2025.
Crazy Rich, may follow-up na
Walong taon matapos ang tagumpay ng Crazy Rich Asians, opisyal nang greenlit ang follow-up bilang HBO drama series.
Magbabalik ang original cast na sina Henry Golding, Constance Wu, Ronny Chieng at Michelle Yeoh. Dalawang taon nang binuo ang serye nina co-writer Adele Lim, director Jon M. Chu, Nina Jacobson at Brad Simpson.
Ayon kay Channing Dungey ng Warner Bros. TV, buo na ang puwesto ng kwento bilang isa sa pinakamamahal sa pop culture at masaya silang magbabalik ang cast.
Sabi naman ni Chu: “Eight years ago, Crazy Rich Asians changed my life... Since then, this cast has become movie stars, superheroes, arena-filling performers and even an Oscar winner, so bringing everyone back together feels like coming home.”
Dagdag ni author Kevin Kwan, pangarap niyang mabuhay muli ang kanyang mga karakter sa HBO series. Sinabi naman ni Casey Bloys na excited silang dalhin ang next chapter ng kwento.
Noong 2018, kumita ang pelikula ng mahigit $239M at nanguna sa US box office sa loob ng tatlong linggo.
- Latest






















