^

Pang Movies

Derek kapit na kapit pa sa TV5

BAHALA SI BITAG - Nora Calderon - Pang-masa
Derek kapit na kapit pa sa TV5
Derek

Nasa TV5 pa rin pala ang loyalty ni Derek Ramsay kahit pa siya na lamang ang big star na naiwan sa Kapatid Network, at kahit wala nang shows for entertainment TV at more on sports na lamang sila.

Katwiran ni Derek, contract star pa siya ng network until April, 2018, at kung wala man silang entertainment programming ngayon, he’s a sport’s guy naman, kaya pwede siyang gamitin sa mga sports program nila. Dream daw niyang magpatuloy pa rin ang TV5 at kung gagawa sila ng mga sports show, anuman ang maitutulong niya ay gagawin niya, naghihintay daw lamang siya.

Wala rin daw naman siyang problema sa TV5 dahil hindi siya binabawalang tumanggap ng ibang projects tulad ng paggawa ng movies. In fact napaka-supportive pa nila sa kanya.

Paano kung matapos na ang contract niya sa 2018 at gusto pa rin siyang i-renew ng TV5?

“If alukin nila ulit ako na maging contract star nila, they are my priority tatanggapin ko pa rin ang offer nila.”

Wala ba siyang balak mag-network transfer kung sakali?

“Ayaw kong mag-isip ng ganoon, lalo pa at under contract pa ako sa kanila. Nakakalungkot na­man na may contract pa ako nag-iisip na akong lu­mipat. Ayaw ko nang ganoon. They have been good to me kaya ayaw ko silang iwanan.”

Pero bakit sa Eat Bulaga, pwede siyang mag-guest?

“Ang first TV career ko, sa Eat Bulaga. Hindi ko iyon kinalilimutan, kaya kapag pinapa-guest nila ako, never ako humindi.  Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Saka nakakapag-promote rin ako sa kanila kapag may movie akong ipalalabas tulad ngayon na opening na kami today in cinemas nationwide, ang The Escort ng Regal Entertainment. My first movie with Christopher de Leon and Lovi Poe.”

Aldub todo rampa sa Germany!

Nagpapasalamat ang may 923 beneficiaries/population ng Barangay Ricarte, Batac City, Ilocos Norte kina Alden Richards at Maine Mendoza at sa fans nila, ang AlDub Nation (ADN) sa mga relief goods na ipinadala sa mga nasalanta ng super typhoon Lawin sa lugar.

Mga wedding gift ito ng fans na nag-attend ng special episode ng Kalyeserye: The Wedding na ni-request nina Alden at Maine para nga sa mga biktima ng bagyo.  Hindi lamang iyon, humingi rin sila ng donations mula sa kanilang mga ini-endorse na products tulad ng 555, Modess, Hapee toothpaste, Lucky Me noodles, at may mga nag-donate din ng saku-sakong bigas, mga damit, towel, at kumot.

Ipinahiram din ng Eat Bulaga ang isa nilang malaking truck na siyang nag-deliver ng mga relief goods sa Ilocos Norte.

Kaya sina Alden at Maine, masaya nang tumuloy sa Germany para sa kanilang short vacation, na ibi­nigay ng Eat Bulaga pagkatapos mag-top sa AGB Nielsen ang kanilang wedding episode last October 22.

Request ng fans sa kanilang honeymoon, hayaan na lamang nating sina Alden at Maine ang mag-update ng mga pinasyalan nila roon sa pamamagitan ng social media.

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with