^

Pang Movies

Marian patutunayan siya pa rin ang reyna sa hatawan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

#HappyBirthdaySPS ang hashtag ng Sunday PinaSaya dahil sa kanilang first anniversary ngayong September 4, at magsisimula ang big production number featuring ang sampung original cast na sina Marian Rivera, Ai Ai delas Alas, Alden Ri­chards, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Joey Paras at Jerald Napoles, sa isang special family-oriented comedy sketch entitled Maling Akala.

Ipakikilala rin ang newest addition to the cast, sina Gladys Guevarra, Mike “Pekto” Nacua, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Andre Paras, Boobsie Wonderland, Kim Lalst, Lovely Abella at Atak, kasama ang Aegis sa isang segment na Papaitan Restaurant.

Ang pinakahihintay siyempre ng AlDub Nation ay ang special edition ni DJ Bae (Alden) kasama si Maine Mendoza na ipakikilala bilang si DJ Mae, na radio dj from a competing network.

At ang sinusubaybayan linggu-linggo na segment nina AiAi, Kissy (Barbie) at Boy Amunda (Wally) na sasamahan ni Martin Paandar (Alden) na Star Buzz kasama si President Rodney “Dugong” Juterte (Jose) na tatanungin ng mga dating president, sina Fidelity V Ramost, Sherap, Gloria Macatagal Ayoyo, and Nyoy Anino.

Patutunayan pa rin ni Marian Rivera-Dantes na siya pa rin ang queen of the dance floor, dahil sasayawin niya ang bagong dance craze na Haha Shake Shake kasama ang iba pang member ng cast.

Dahil kay Tom, Lovi hindi na masyadong takot sa zip line

Noon pa ay sinasabi na ni Lovi Poe na may fear of heights siya kaya hindi siya madalas na nagbibiyahe by air. Pero nang magsimula silang nag-taping ng bago niyang primetime soap na Someone To Watch Over Me, kailangan niyang harapin ang kanyang greatest fear.

Nagpasalamat siya na kasama niya ang leading man niyang si Tom Rodriguez nang sumakay siya sa zip line, kailangan daw kasi iyon sa eksena kaya hindi pwedeng hindi niya gawin.  Nag-post siya (Lovi) sa kanyang Instagram account ng ginawa niya na may caption na “Simple lang naman ang eksena namin ni @akosimangtomas, ang mag-zip line na magkahawak ang kamay...ang tagal pang gawin dahil may taong sobrang takot sa heights!” Nice one girl!

Nagpasalamat din si Lovi at siguro raw sa susunod na kailangan niya muling sumakay sa zip line, alam na niyang hindi ito ganoon nakakatakot.

Pero mas marami raw siyang mahihirap na eksenang gagawin sa primetime soap, mabuti na lamang at napakahusay ng director nila na si Maryo J. delos Reyes.

BiGuel nagbabalik

Hindi na mami-miss ng fans nila sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil mapapanood na sila sa first-ever interactive rom-com series ng GMA Network, ang Usapang Real Love o URL. Para mapanood sila, i-like lamang ang Facebook page ng URL at abangan ang posts para sa nasabing video challenges.

Ang fan na gustong sumali ay kailangang i-video ang sarili na ginagawa ang challenge at ipadala ito sa Facebook, i-tweet or i-post sa Instagram at i-tag lamang ang @UsapangRealLove using the hashtag #MagpaFANSin.  Abangan ang cute na story nina Miguel at Bianca, soon on GMA.

vuukle comment

OPISYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with