^

Pang Movies

Derek tinutulungang mag-ayos ng bahay si Angelica!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi naman nakapagtataka kung nakikipagkaibigan muli si Angelica Panganiban sa kanyang mga ex-boyfriend na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay na inamin ng aktres sa isang interview.

Hindi rin big deal kay Derek na maging friends muli sila ni Angge, imagine seven years lang naman silang magdyowa. Katunayan tinutulungan pa ni Derek si Angelica sa pagde-decorate ng bagong bahay nito.

Pero nilinaw ni Derek na ibinigay lang niya ang number ng mga contact ng tumulong din na ayusin ang kanyang bahay.

Hindi na raw nila pinag-uusapan ang mga personal na bagay. Basta masaya ang sexy hunk actor na ok na muli sila ni Angge. Inamin pa ng aktor na matagal na siyang nag-move on kaya walang dahilan para hindi sila maging friends ng dating dyowa.

Ayaw din pahabain ni John Lloyd Cruz ang friendship label nila ni Angge. Wala nga naman masama dahil anim na taon din silang nagsama ng kanyang nobya. Katwiran lang ni Angge na walang dahilan para magpaka-bitter siya kahit kanino, ma­ging sa kanyang mga ex. Hindi rin inuurungan ni Angelica na makasama ang dalawa sa isang project dahil professional siya bilang artista. Pero bigla siyang napatigil sa tanong kung okey na magsama sila ni Lloydie sa isang prjoect. 

Bigla na lang itong napangiti sa isang interview sabay sabing malapit na siyang makapag-move on at konti na lang.

vuukle comment

SOLICITOR GENERAL FLORIN HILBAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with