^

Pang Movies

AlDub at DongYan dinadaya raw sa Newsmaker of the Year

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Na-solve na kaya ng Pep.ph/peplistyear3 ang problema sa pa-contest nila para sa Celebrity Pair of the Year and Newsmaker of the Year.

Unang nagreklamo ang AlDub Nation na may mga boto silang nawala para kina Alden Richards at Maine Mendoza.  Pero wala pa nga silang sagot sa AlDub Nation, heto at ang DongYan fans naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nagrereklamo, na may votes din daw silang nawawala.

Pero ang AlDub Nation, hindi sila susuko na hindi manalo ang kanilang love team, kaya kahapon, June 1, may one week silang Grand Voting Party.

Tatagal ito hanggang June 8.  Tandaan na nakapagbigay sila ng 41 million tweets noong October 24, 2015 para kina Alden at Maine sa Tamang Panahon ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Nova Villa sumakto ang hula kay Alden

Touching naman ang mga salita nina Direk Joey Reyes at Nova Villa para kay Alden Richards, na hindi nila itinago ang paghanga nila sa kinikilalang isa sa mga sikat na actor ngayon.  Si Direk Joey napaka-gentleman daw ni Alden, “in so many years in this business, no one has ever gone out of his way to call me to thank me for an interview I gave on TV about him.  Alden Richards, you deserve all the blessings coming your way because you are a good man. Nag-iisa ka sa kagandahang asal.”

Na-interview naman si Ms. Nova Villa sa set ng bago niyang ginagawang afternoon prime drama sa GMA 7, ang Sa Piling Ni Nanay.  Nang hingan siya ng words for Alden, ang naikuwento niya noong una niyang nakasama si Alden sa My Beloved na kasama nila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Apo raw niya noon si Alden sa story pero naging close sila, parang nanay siya at itinuring naman siyang nanay ni Alden.

Hindi raw naka-tent noon si Alden, kasama lamang niya ang mga make-up artist. After ng two weeks nilang magkasama na, sabi niya apo niya si Alden, at niyaya niyang sumama na sa tent niya, kasi nakikita raw niyang nakaupo lamang siya magdamag, hindi nagrereklamo.  Pero tuwing lumalabas daw siya ng tent, sinasalubong na siya ni Alden, squatters area kasi ang location nila, maputik, madulas, maraming daga, inaalalayan daw siya nito at hihintayin hanggang matapos ang eksena niya, hindi siya iniiwanan kaya naging very close sila, inalam niya ang buhay ni Alden

“Kaya binigyan ko siya ng advice.  Una kong sinabi sa kanya, magdasal ka.  Kasi ang ating gras­ya, ang mga dumarating sa atin ay nanggagaling sa a­ting pagiging close sa Diyos. You pray your rosary, you thank God.  Sabi niya sa akin.  “opo, tita, sinusunod ko po ang lahat ng sinasabi ninyo sa akin.”

“Natatandaan ko rin na sinabi ko sa kanya: ‘Tandaan mo ito Alden, dadating ang oras na ikaw mismo, mabibigla ka na lang sa itatakbo ng iyong career.  You’re a good actor.’

Natupad ang sinabi ni Nova kay Alden, tingnan natin kung ano na siya ngayon.

A1 nina Solenn at Jaclyn huhusgahan na

Mamayang gabi na ang pilot episode ng A1 Ko Sa ‘Yo na magtatampok sa 2016 Cannes best actress Jaclyn Jose, katambal si Gardo Versoza.

Kasama rin nila sa sitcom sina Solenn Heussaff, Sef Cadayona, Benjamin Alves, Ervic Vijandre, Gee Canlas, Denise Barbacena, with Lovi Poe as their special guest.

First directorial job naman ito ni Randy Santiago sa GMA 7.  Mapapanood ang A1 Ko Sa ‘Yo every Thursday, pagkatapos ng Juan Happy Love Story.

vuukle comment

MAKATI CITY

TABLOID REPORTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with