^

Pang Movies

Fashion shoot ni Badjao Girl trending!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Viral ngayon sa social media ang bonggang transformation ni Rita Gabriola na mas unang nakilala bilang Badjao Girl. Trending din ang fashion shoot niya at lumutang lalo ang pagiging future model niya.

Sa dinami-rami ng naglabasang “Man” after ni Carrot Man a.k.a. Jeyrik Sigmaton, itong huli lang ang talagang nabigyan ng break sa TV at endorsement.

Sa babae naman ay ang Badjao Girl ang nag-hit sa netizens. Ang unang tumulong sa kanyang matupad ang panga­rap na makapag-aral ay ang ABS-CBN Foundation. Ang maging teacher ang ambisyon niya kesa pasukin ang showbiz.

Pag-aaral na ang ga­gawin ngayon ni Rita kesa mamalimos sa kal­ye upang magkaroon ng perang pantulong sa pamilya. Sa fiesta sa Luc­ban, Quezon nadiskubre ang Badjao Girl na na­mamalimos.

Teka, kung sa GMA napunta si Carrot Man na hinalukay noon ni Jessica Soho para sa show niyang Kapuso Mo, Jessica Soho, binigyan naman ng feature ni Korina Sanchez si Badjao Girl sa Rated K show niya. Pati sa social media sensations, network war pa rin ang umiiral, huh!

Kristoffer nablangko sa mga bansa sa Europe

Aminado si Kristoffer Martin na mahina siya sa geography. Contestant siya kahapon sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga.

Bago sumalang, nagdasal muna siya na huwag lugar ang category na huhulaan nila. Kaso, hindi umubra ang dasal niya at lugar ang pinahulaan sa kanya.

Germany ang word na pinahulaan kay Kris­toffer. Ilang bansa lang sa Europe ang lumabas sa bibig niya at hindi niya naisip ang Germany kaya lost sila ng ka-tandem.

Sa tweet ng Kapuso actor, “Nakakablanko pala doon!”

Dominique ayaw gamitin ang katawan para yumaman

Nakatikim na si Dominic Roque ng indecent proposal sa mga bading. Hindi naman diretsong nag-offer sa kanya ‘yung bading kundi through a friend.

“Ang daming offer! Bahay, kotse,” ayon kay Dominic nang makausap ng press sa preview ng unang movie niyang Tatay Kong Sexy.

Eh feeling ng aktor, ibinubugaw siya ng kaibigan kaya iniwasan na niya ito.

“Nagtatrabaho siya sa taong ‘yon. Sabi niya, ‘Meron akong kakilala, ‘yung boss ko, ganyan-ganyan. Mag-dinner daw kayo.

“Sabi ko, hindi. Hindi ako sumama.

“Dati pa man, hindi ako naghahangad na a­ngat agad. Unti-unti ang gusto ko.

“Nagsimula ako na walang sasakyan. nagku-commute ako. MRT. Kung nakabili ako ng sasak­yan na luma, unti-unti kong pinagtatrabahuhang maigi na makakuha ng mas magandang sasak­yan,” paliwanag ni Dominic.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNADO

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with