^

Pang Movies

Mommy Dionisia wini-wish na umabot ng 200 years

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nagpakabog si Mommy Dionisia sa kanyang 67th birthday noong nakaraang May 15 dahil nagpaka-Miss Universe noong lumabas ito para batiin ang kanyang mga bisita.

Naglakad na ala-Pia Wurtzbach si Mommy D with matching wave na parang isang beauty queen sa kanyang mga bisita.

Hindi lang daw birthday celebration iyon ni Mommy D kundi isang thanksgiving party pa para kay Manny Pacquiao na pasok sa top 12 senators ng bansa.

May higit na 700 guest sa event na iyon ni Mommy D at masayang-masaya ito dahil hindi binabayaan ng Diyos ang kanyang anak na si Manny sa nakaraang eleksyon.

Ang birthday wish ni Mommy D ay: “Sana bigyan pa ‘ko ng mara­ming taon ng Panginoon. ‘Yun ang wish ko kay Lord. Sana makaabot ako ng 200 years!”

Janine marunong sa pera

Masayang-masaya ang bida ng GMA teleserye na Once Again na si Janine Gutierrez dahil nakumpleto ang kanyang pamilya sa blessing ng kanyang bahay.

Bihira nga raw na nasa iisang lugar lang ang kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Mabibilang daw sa mga daliri ni Janine ang ilang beses na nagsama ang dalawa simula noong maghiwalay sila.

Pero sa pagkakataon na iyon ay nagsama ang dalawa at iba raw ang pakiramdam dahil nandoon din ang mga kapatid ni Janine na sina Jessica, Diego, at Maxine.

Kaya sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Janine dahil sa wakas ay nabuo ang pamilya nila sa araw na iyon.

“So happy we were all together today, thank you. This is everything to me,” post pa ni Janine.

Marami ang natuwa kay Janine dahil sa husay na maghawak nito ng kanyang kinikita sa showbiz. Mabilis nga raw itong nakaipon at nakabili na ng sariling bahay.

Dennis at Jennylyn nagsisid sa Maldives

Hanggang ngayon ay pahulaan pa rin kung ano ba ang relasyon nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Sa nakaraang birthday ni Jen noong May 15 ay magkasama ang dalawa sa isang resort sa Maldives.

Nag-share pa si Jen ng mga photos sa Instagram account niya ng naturang lugar kung saan nag-diving sila ni Dennis.

“It’s the best birthday ever! Thank you po sa lahat ng greetings! I love you guys!” post pa ni Jen.

Hindi rin naman nagdamot si Dennis sa pag-post ng ilang photos sa kanyang Instagram ng Maldives vacation nila ni Jen.

Kahit na wala pang confirmation sa kanilang relasyon, walang sawang sinasabi ni Dennis na masaya silang dalawa at nagsusuportahan sila sa kanilang mga ginagawa.

vuukle comment

2016 SEABA STANKOVIC CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with