^

Pang Movies

Edu nakaisa kay Ronnie Ricketts!

Jun Nardo - Pang-masa

Vindicated si Edu Manzano sa 90 araw na suspensyong ipinataw kahapon ng Sandiganbayan kay Ronnie Ricketts bilang chairman ng Optical Media Board kaugnay ng kasong graft na isinampa sa kanya at tatlong iba pa.

Isa rin si Doods sa nagreklamo kay Ricketts tungkol sa mga nakumpiskang piratang DVD kung saan involved ang OMB Chairman. Naging ugat nga ito ng sagutan/alitan ng dalawa.

Of course, hindi nagtatapos sa suspensyon ang isyu. Administrative lang ito at kung after 90 days ay hindi pa tapos ang kaso, puwede pa siyang bumalik sa puwesto. Ewan lang namin kung makakaapekto ito sa posisyong gusto niyang takbuhan sa Mayo.

As for Edu, plus point na ito sa kanya lalo na’t isa siya sa umaasinta sa isang puwesto sa Senado ngayong halalan, huh!

Ruby tiyak na hahagulgol sa kasalan

Sinigurado ni Ruby Rodriguez na dadalo nga­yon hapon si Miss Universe Pia Wurtzbach sa kasal ng kaibigang si Pauleen Luna kay Vic Sotto.

Nainterbyu kahapon si Ruby sa DZBB program nina Arnold Clavio at Ali Sotto kung saan isinabay niya ang pagbabalita ng pagbibida niya sa episode tonight ng Magpakailanman kasama si Derrick Monasterio.

Eh, among Eat Bulaga Dabarkads, si Ruby ang nanay-nanayan at best friend ni Poleng. Kung merong nakaaalam ng pagsisimula ng love story ng Boss-Leng tandem, si Ruby ‘yon. Kaya naman, tiyak na isa siya sa hahagulgol sa kasalan sa simbahan dahil sa kaligayahan!

Pribado man ang magaganap sa pagpapakasal muli ni Bossing after Dina Bonne­vie, mamimigay naman siguro sila ng footages/pictures ng kasal sa media na interesado upang maibahagi ito sa publiko.

Ay bukod pala kay Ruby, isa sa iiyak sa kasal ay si AiAi de las Alas. Pero restrained lang daw ang gagawin niyang craylaloo, huh!

Alden dumalaw sa Habitat…

Ilang taon nang sini-celebrate ni Alden Richards ang kanyang birthday kasama ang mga kabataan sa Habitat For Community sa Bistekville hindi pa man siya tinaguriang Pambansang Bae.

Kahapon ay muling binisita ng aktor ang lugar na ‘yon bago tumungo sa Eat Bulaga. Siyempre, ibang-iba na ang pagtanggap ng mga tao sa kanya. Halos hindi niya matapos ang ginawang storytelling sa mga bata dahil pati mga parent nila ay nakigulo na rin, huh!

Pinagbigyan naman ni Alden ang mga gustong magkaroon ng picture sa kanya. Eh, nang namamalayan ng mga kasama na kailangan na niyang umalis papunta ng Eat Bulaga, muntik na siyang hindi makaalis dahil sa dami ng mga taong nakaharang sa dinaanan niya, huh!

Anyway, ang isang Kapuso actor na kakaiba ang mga kasama sa kanyang birthday ay si Ken Chan na bida ng Destiny Rose. Kasama niyang sinelebreyt sa GMA Network ang kaarawan ang mga golden gays na tuwang-tuwa sa performance ng aktor bilang transwoman sa DR.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALI SOTTO

ALIGN

ANG

ARNOLD CLAVIO

EAT BULAGA

LEFT

MGA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with