^

Pang Movies

Ganda, walang naramdaman… Kiray parang tuod nang halikan ni Derek

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil nga hindi pa nagkaka-boyfriend si Kiray Celis, it goes without saying na talagang wala pa siyang karanasan pagdating sa pag-ibig at sa mga normal na ginagawa ng dalawang taong nagmamahalan.

Kaya naman sa presscon ng Love is Blind, natanong sa kanya na kung sakali, sino ba ang tipo ng lalaking pwede niyang pagkatiwalaan ng kanyang first experience. Tipo ba ni Derek Ramsay o tipo ni Kean Cipriano na pareho niyang kasama sa pelikula?

“Experience po ba na alin?” natatawang sagot ni Kiray. “Grabe, hindi naman ako na-brief sa ganito. Diyos ko po,” natatawa niyang sabi.

Pero sino ba talaga ang mas tipo niya between Kean and Derek?

“Pareho kasi silang okay, eh. Pero sige ganito na lang, magandang sagot ‘to – dahil kasal na si Kuya Kean, kay Kuya Derek na lang ako.”

Pero aniya, sa pagpili ng boyfriend, wala naman daw siyang requirement na kailangang gwapo, macho, wala raw ganu’n. Wala pa raw kasi sa isip niya talaga ang makipag-boyfriend dahil ayaw pa ng kanyang ina. Gusto raw muna niyang mabilhan ng bahay ang kanyang mama bago niya isipin ang kalandian.

Pero wala ba siya talagang naramdaman man lang nang halikan siya ni Derek?

“Okay lang po, sakto lang. Pramis, wala akong nararamdaman,” say niya.

“Huwag po nating kakalimutan, siyempre, trabaho lang lahat itong ginagawa namin. Ang trabaho, dapat nilalayo po ‘yan sa mga kalandian. At ako, meron akong sinasabi palagi na kapag trabaho, trabaho. Ayokong magkaroon ng boyfriend sa. . .I mean, ayokong magkaroon ng malisya sa mga katrabaho ko. Gusto ko ‘pag katrabaho, katrabaho,” she said.

Pero nang tanungin kung kanino siyang lalaki may pagnanasa, agad na sagot niya, “kay Sam Milby.

Bakit kay Sam?

“Sobrang gwapo ni Sam,” sagot niya.

Si Derek ba, hindi?

“Mas gwapo si Derek,” say niya sabay-sabi ng, “grabe, promo-promo” kaya tawanan.

Pero aniya, ever since si Sam talaga ang crush niya sa showbiz.

“Crush ko siya, pero wala akong malisya sa kanya,” depensa pa niya.

Proud ba siya na super virgin pa siya?

“Ay sobra. Kasi parang aminin natin, sa mundo ngayon, pag pumasok ka sa mga bars, makikita mo, 17, 18, 15 (years old) na mga babae at sila pa ang lumalapit sa mga lalaki. So, sobrang proud ako sa sarili ko na hindi ako mismo pumapasok sa mga ganu’n,” say niya.

Sarah isa lang sa maraming inspirasyon ni Matteo

Sa presscon ng Tupang Ligaw ay natanong si Matteo Guidicelli kung banned pa rin ba si Sarah Geronimo sa career niya para makatrabaho.

“Hindi naman banned, nag-usap lang kami na hindi namin. . .you know, ‘yung trabaho dahil gusto naming mag-separate ang mga bagay-bagay,” paliwanag ni Matteo.

Pero aminado naman ang aktor na isa si Sarah sa mga inspirasyon sa buhay para lalong pagbutihin ang kanyang career.

“Every person in my life has an addition to my inspiration, my motivation, Sarah’s a big part of it, siyempre. Everybody, the people I’m around, I’m blessed to have them because they guide me, they bring me to the right places,” pahayag ng aktor.

Hindi pa raw nila napag-isipan kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine’s Day dahil pareho silang busy ngayon.

“She’s promoting her album also, I’m also promoting my album and I’m promoting my film now, so we’re both busy.”

Samantala, dahil usung-uso nga ngayon ang sex video scandal at medyo iba na rin ang panahon ngayon dahil napakadaling ma-post sa social media ang lahat ng ginagawa ng isang artista, natanong si Matt kung paano siya nag-iingat sa mga ganitong bagay.

“Wala naman, you know, alam naman natin ‘yung mga ginagawa natin, alam naman po natin na faithtful tayo sa girlfriend natin and okay naman lahat,” he said.

Biniro siya kung na-delete na ba niya ang video kung meron at natawa ang aktor.

“Baka na-delete ko na, joke lang. Hindi, wala naman tayo niyan, delikado ‘yang social media, kaya we really have to be careful on what we post, not just about scandals or anything but what we say on social media, what we put out there because the whole world sees it,” saad ni Matt.

May Instagram and Twitter daw siya at careful naman daw siya sa kanyang mga ipino-post.

Ang Tupang Ligaw ay first action film ni Matteo mula sa direksyon ni Rod Santiago under BG Production International. Showing na ito sa Feb. 17.

vuukle comment

ACIRC

ANG

LANG

MATTEO

MGA

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

STRONG

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with