^

Pang Movies

May sexual tension pa Derek naging emosyonal nang halikan si Solenn

- Vinia Vivar - Pang-masa

Bagay pala at may chemistry ang dating magkarelasyon na sina Solenn Heussaff and Derek Ramsay.

Ito ang napansin ng marami sa presscon ng first movie nila together, ang Love is Blind. Habang magkatabi sila sa Q&A forum, hindi maipagkakaila na they look good together at ang obserbasyon nga ng ibang reporters, parang may sexual tension pa nga sa pagitan nila.

Nine years ago pa nang mag-break sina Solenn at Derek. Four years ang naging relasyon nila at hindi pa artista noon ang aktres.

Sa presscon, siyempre ay hindi maiwasang pag-usapan ang kanilang nakaraang relasyon lalo pa nga’t na-mention before ni Derek na pinagsisisihan niya ang break-up nila ni Solenn.

Sa kwento ni Solenn, they were both young at that time.

 “Si Derek ang first totoong boyfriend ko, first love rin, so siyempre medyo intense ‘yung relationship na ‘yun. I was also studying abroad, so ‘di ba dati, walang Skype, walang anything, so nagbaba­yad pa ako ng mga cards na may 20 mins lang to call to the Philippines, so it was hard for us and I think it made us more mature as people kasi hindi naging madali para sa akin ‘yung long distance,” kwento ni Solenn.

Pahayag naman ni Derek, talagang ibinigay niya rin ang todong pagmahahal kay Solenn.

 “We focused too much on one another. She was there studying, and everyday, nagtatawagan kami. Here was I, trying to figure out what I wanted to in my life, but my priority was sasagutin ko ‘yung tele­pono pag tumawag siya ng ganitong oras,” he said.

Pero kahit nag-break sila, ayon kay Derek, hindi naman daw nawala ang pagki-care niya for Solenn and he was always there as a friend for her.

Nang pumasok na sa showbiz si Solenn, mga three or four times na nagkukurus ang landas nila at nagbabatian naman daw sila.

Hanggang sa dumating na nga ang offer na pagsamahin sila sa pelikulang ito.

 “Nang in-offer sa akin ito, I was very excited na siya ‘yung makaka­trabaho ko. Alam naman ni Solenn ‘to, na I broke my own heart when I broke up with her but, you know, it is what it is, it’s better na rin na we don’t have any kind of relationship. We’re good friends and we can confide to one another about our problems and happiness, and that’s so much better that way,” he said.

Ayon naman kay Solenn, nang umoo raw siya sa project, hindi raw niya alam na si Derek ang leading man niya at nalaman na lang niya after she said yes. Pero siyempre happy rin daw siya.

Sa first day of shooting, aminado si Derek na kabado siya dahil hindi raw niya alam kung ano ang mararamdaman nila pareho kapag nagkatrabaho na.

“Is there gonna be awkwardness? Is it going to be weird? I didn’t feel both those things. Nagkwentuhan kami as if nothing ever happened,” kwento ni Derek.

Inamin din niya na ninerbyos din siya the first time na kinunan ang kissing scene nila at uminom siya ng wine.

“Kasi last time I kissed Solenn was like nine years ago, so, nakaka. . .it beca­me very emotional, ‘yung eksena na­min, na­­ging emotional ‘yung scene,” say ni Derek.

Dahil pareho nang may special someone na ngayon sina Derek at Solenn, natanong din kung ano ang reaksyon ng mga karelasyon nila sa pagsasama nilang ito sa movie.

Ayon kay Solenn, wala raw problema sa boyfriend niyang si Nico Bolzico.

 “He doesn’t mind at all ‘yung showbiz life ko. Hindi niya alam ‘yung projects na meron ako as in I talk to him once in a while. Of course, when I decided to join this movie and Derek is my leading man, sinabi ko naman sa kanya out of respect din, tapos sabi niya, “that’s your decision, it’s your work, gawin mo kung ready ka, kung hindi ka ready, don’t do it”, but it’s my decision at the end of the day,” pahayag ni Solenn.

Ayon naman kay Derek, alam daw ng partner niya how special Solenn is to him and to his fami­ly at wala rin daw problema.

Showing na ang Love is Blind sa Feb. 10 mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Kasama rin sa movie sina Kiray Cellis and Kean Cipriano.

Erap at Korina, nagbolahan sa harap ng madlang pipol

Tuwang-tuwa ang betera­nang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas nang bigla niyang nakita ang dating Pangulo na ngayon ay Alkalde ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada nung naki-piyesta sila sa katatapos lamang na pista ng Sto. Niño sa may Tondo, Manila.

Kasama ng misis ni Mar Roxas na naglibot sa mga kalye ng Tondo ang senatoriable na si Risa Hontiveros at si Aika Robredo na isa sa mga anak na babae ng Vice-Presidentiable na si Leni Robredo.

Game na game na nakipag-biruan sa isa’t-isa sina Koring at Erap na siya namang ikinagalak ng mga taga-Tondo at ng kanilang mga kasama.

“Sir, sexy kayo ngayon and banat na banat ang mukha, ano po ang iyong sikreto,” pabirong tanong ni Korina.

“Ikaw naman Koring, wag tayo dito magsabihan ng sikreto sa harap ng madlang pipol,” mabilis namang sagot ng dating aktor.

Ang ikinagulat at ikinatuwa ni Ko­ring ay ang masinsinang usapan nila ni Erap kung saan ay sinabi nitong si Mar ang manok nito sa lahat ng mga tatakbo sa pagka-Presidente kahit na hindi bahagi ang Manila Mayor ng Liberal Party.

Dahil dito, parang nawala ang pagod ni Korina at lalo pa itong ginanahang makisiya sa pista ng Sto. Niño.

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DEREK

ERAP

HINDI

LEFT

NIYA

QUOT

SOLENN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with