^

Pang Movies

Kahit may prenup pictorial sa Bali, Daniel wala pang balak patali kay Erich

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng Be My Lady ay sinagot nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales ang tsikang sila na ang susunod na magpapakasal. Ito raw kasi ang usap-usapan sa ASAP last Sunday.

Pero say nila, wala pa raw ganung plano sa nga­yon.

“Siyempre, may plano ako sa kanya, pero sigu­ro for now, kailangan naming mag-focus sa Be My Lady at sa work namin. Pero syempre, mahal ko siya and God has really His timing,” sabi ni Daniel.

Isa pa kasing dahilan para magkaroon ng ispekulasyon na malapit na silang magpakasal ay dahil sa mga larawan nila sa Bali, Indonesia na kung titingnan ay parang prenup photos na nila.

“‘Yung pictures na ‘yan ay dahil sa birthday ko. Sobrang maganda ‘yung lugar doon and nag-enjoy kami. Super short ‘yung holiday namin,” paliwanag ni Daniel.

Sinegundahan naman ito ni Erich.

“Katulad po nang sinabi niya hindi po ‘yon prenup. Siguro nagkataon lang kasi maganda po ‘yung scenery, maganda ‘yung background. We don’t want to rush something that we want to last forever. Nga­yon, we’re just taking our time.

“Hindi po lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon and sobra po ka­ming grateful sa management at sa lahat po dito. Masasabi ko na itong Be My Lady ay pinaghirapan ng lahat at worth it lahat ng puyat at pagod dito,” say ni Erich.

Sen. Bongbong walang masabi sa ugali ni Kuya Germs

Ayon kay Sen. Bongbong Marcos, parang pamilya na rin daw nila kung itu­ring si German Moreno kaya labis siyang nalulungkot sa pagpanaw nito.

Bata pa lang daw siya nang magsimulang maging kaibigan ng pamilya nila lalo na ng kanyang inang si former First Lady Imelda Marcos si Kuya Germs at talagang na-witness niya kung gaano ito kabuting tao.

Nakikita rin daw niya noong time na sikat na sikat si Kuya Germs ay napakarami nitong tinutulungan lalo na nga ang mga baguhang artista.

“Bilang kaibigan naman ay wala naman akong masabi. Mula nang nakilala ko siya hanggang nga­yon ay tinuturing namin siyang isang miyembro ng pamilya. Dahil mabuti siyang tao, eh. He was a good person. He was a truly, genuinely good person,” papuri pa ng Senador.

Lahat daw ng kampanya niya ay naging napaka-supportive ni Kuya Germs. Nagpapadala raw ito ng mga artista sa kanyang sorties bukod pa nga sa personal din itong pumupunta.

Kung hindi nga raw pumanaw si Kuya Germs ay may plano na raw sila for this year’s campaign niya bilang Vice President. Nang hu­ling usap nga raw nila ay tinatanong pa sa kanya ni Master Showman kung ano ang tulong na kailangan niya.

Nasa presscon din ni Bongbong si Cristina Gonzalez na asawa naman ng pinsan niyang si Tacloban Mayor Alfred Romualdez at maging ang dating aktres ay may magagandang alaala ni Kuya Germs na ibinahagi.

Marami raw advice si Kuya Germs na tumatak sa kanya tulad ng “keep your feet on the ground, work hard, be on time, mga advice na ganu’n, wag male-late, maraming-marami,” she said.

Cristina is running for Mayor of Tacloban City habang ang asawa naman daw niya ay pahinga muna ngayong eleksyon sa politika at susuportahan na lang daw muna siya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE MY LADY

BONGBONG

BONGBONG MARCOS

CRISTINA GONZALEZ

DANIEL MATSUNAGA

ERICH

ERICH GONZALES

FIRST LADY IMELDA MARCOS

KUYA GERMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with