^

Pang Movies

Mga luma at bagong issue dawit Kongreso pinalawak na ang imbestigasyon sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa Lunes, ala-una ng hapon itinakda ni Congressman Winston Castelo ang committee hearing ng kamara tungkol sa Metro Manila Film Festival.

Bagama’t ang inihain lamang na resolusyon ni Congressman Dan Fernandez ay imbestigahan ang nangyari sa kanilang pelikulang Honor Thy Father, pinalawak ni Congressman Castelo ang imbestigasyon.

Kasama na sa kanilang iimbestigahan ang nagiging takbo ng pagma-manage ng MMDA sa MMFF.

Titingnan nila kung papaano na pinipili ang pelikula at ang mga mananalong pelikula.

Titingnan na rin nila kung bakit may mga pelikulang inaalis sa mga sinehan.

Gusto nilang malaman kung bakit parang mas pabor ang MMDA sa mga sinehan kaysa sa mga pelikulang Pilipino na dapat sanang ipino-promote sa festival.

Gusto na rin nilang imbestigahan ang sinasabing barya lamang na nakukuha ng beneficiaries ng festival sa kabila ng inire-report nilang bilyong kinita noon.

Pag-uusapan na rin daw ang mga pondo na hindi pa nakararating sa mga beneficiaries hanggang ngayon kahit na iyon ay kinita ilang taon na ang nakararaan.

Kung sabihin nga nila, maraming “can of worms” na mabubuksan dahil diyan.

Pag-aaralan na nga rin daw nila kung ano nga ba ang depekto ng executive order na pinalabas noon ni Presidente Cory Aquino kaugnay ng festival na iyan. Noon kasing panahon ni Cory at Joey Lina naman sa MMDA napunta sa kamay ng MMDA ang management niyang festival. Noong una, sa ilalim ng Letter of Instruction na pinalabas ni Presidente Marcos, ang management ng festival ay nasa kamay ng industriya ng pelikula mismo at hindi naman nagkakaroon ng ganyang gulo.

Panahon na nga siguro na mapag-aralan ang depektibong EO na inilabas ni Tita Cory na siyang dahilan kung bakit sinasabing nagkakaroon ng pulitika at abuso sa pagpapatakbo ng Metro Manila Film Festival.

Kung kami naman ang tatanungin, mas maganda nga siguro kung unahan na ng MMDA at sila na mismo ang magkusang isauli iyang festival sa industriya. Hayaan nating iyong mga taong aktibo sa industriya at nakakaalam ng tunay na kalagayan at sentimiyento ng mga tao sa industriya ang mamahala niyan.

Hindi dapat ang mga pulitiko, o mga retired industry leaders ang nandiyan.

Ibalik na sa industriya ang MMFF para matigil na rin ang mga basurang pelikulang sumasali riyan.

Pops hindi na rin nakatiis sa anak ni Martin sa ibang babae

Noong araw, pinag-uusapan lang iyon “in whispers”. Kung sabihin nga “hanggang blind items” lang.

Pero ngayon sila na mismo ang naglabas sa social media ng totoo. Kasama ni Pops Fernandez, at ng kanyang mga anak ang anak ni Martin Nievera kay Katrina Ojeda, na sinasabing naging dahilan ng hiwalayan nila ni Pops.

Noon tsismis lang iyan, dahil wala namang makapagpapatunay na may relasyon nga si Martin kay Katrina. Mabilis namang nakapag-abroad si Katrina kaya walang kumpirmasyon kung totoo ngang nabuntis siya ng singer.

Ngayon, dahil sinasabi nga ni Pops na “tanggap na iyon ng lahat” sa kanila, lumabas na rin ang totoo.

Lahat naman na kung ang mga tsismis kung totoo, lalabas at lalabas din iyan pagdating ng araw. Kung minsan nga lang talagang itinatago nila lalo na kung naiisip nilang makakasira iyon sa kanilang image.

Ngayon, laos na ang pagtatago. Marami pa ngang artista ang gumigimik para pag-usapan at makakuha ng attention.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CONGRESSMAN CASTELO

CONGRESSMAN WINSTON CASTELO

DAN FERNANDEZ

FESTIVAL

KUNG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MGA

NBSP

NGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with