^

Pang Movies

Si Pia kaya anong kapalaran? Pinay, 1st runner up sa Miss Intercontinental 2015

Jun Nardo - Pang-masa

First runner up ang bet ng Pilipinas sa katatapos na Miss Intercontinental 2015 na si Christi Lynn McGarry na ginanap sa Magdeburg, Germany.

Tinalo siya ng Miss Russia na si Valentina Rasulova ayon sa reports.

Pero bukod sa first runner up, nakuha rin ni Christi ang Miss Asia at Oceania title sa unang bahagi ng kumpetisyon.

Sa Lunes, malalaman natin ang suwerte ng representative natin sa Miss Universe na si Pia Wurtzbach. Sana, makamit na natin ang mailap na korona, huh!

On a sad note naman, hindi pumasa ang entry natin sa Best Foreign Film ng Oscar Awards na Heneral Luna. Wala ito sa short list na inilabas na nominations.

Mukhang sa labanan na ito hirap pa ang bansa na masungkit kahit makasama man lang sa short list, huh!

Janella panggulat ang acting sa Haunted Mansion

Panalo ang pakulo ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde nang magsagawa ng midnight screening ang MMFF 2015 entry nilang Haunted Mansion last Friday night sa Greenhills Theater!

First time ito sa local movie history kung hindi kami nagkakamali kaya nakatanggap ng papuri ang mag-ina.

Yes, alas dose nang hatinggabi ang screening na dinagsa pa rin ng manonood kahit maulan nu’ng gabing ‘yon! Kaya naman tuwang-tuwa ang mag-ina pati na ang director na si Jun Lana at cast ng movie dahil sinuportahan ‘yon ng fans nina Janella Salvador, Marlo Mortel, Jerome Ponce at iba pang mahilig sa horror movies!

Umaapaw nga ang tilian at hiyawan ng manonood sa golpe de gulat na takot scenes!

Pero siyempre, hindi mabibigo ang fans ng tatlong teen stars sa konting kilig na hatid ng kanilang mga idolo.

Siyempre, proud ang director dahil tumanggap siya ng mga papuri sa manonood. Lumabas muli ang brilyo niya bilang director na hinahangaan sa mga ilang bansa.

Maging si Janella ay tuwang-tuwa rin sa papuri sa kanyang pag-arte sa big screen. Mahirap ang role niya bilang teenager na may third eye. At sa eksenang kinalaban na niya si Iza Calzado na lumabas na halimaw, hayun at bugbog siya to the max and yet, ipinasa niya ang eksena with flying colors, huh!

Sa totoo lang, kahit nakailang panood na ni Mother Lily ang HM, naku, nandoon pa rin ang takot sa kanya! Sigaw siya nang sigaw tuwing lumalabas si Iza! Hindi nga nagkamali si Mother na ang HM ang gawin nilang entry this year sa halip na bagong edisyon ng Shake, Rattle & Roll.

Aba, katumbas din ng HM ang isang SRR na ginastusan ang todo at magpapa-shake, rattle and roll din sa manonood sa araw ng Pasko!

With Haunted Mansion, kumpleto na ang Pasko ng Pinoy moviegoers. Panlaban kaya ang horror movie bilang Best Picture at pasok din si Janella bilang Best Actress, huh!

Michael nagpaka-halimaw sa concert

Hindi kami magtataka kung next year, Michael Pangi­linan goes for the Big Dome!

Aba, napuno niyang muli ang Music Museum nu’ng Biyer­nes ng gabi sa concert niyang Michael Sounds Familiar!

Eh, ang bongga kay Michael, lalo siyang gumagaling sa pagkanta. Kung nu’ng baguhan pa lang siya, eh, mahiyain pa siya, ngayon ay halimaw na ang kanyang performance, huh!

Ibang klase na ang boses niya kaya naman winner siya ng second place sa sinalihang Your Face Sounds Familiar!

This year, ang dami-rami nang achievements ng aming anak-anakan. Pumatok ang kanta niyang Pare Mahal Mo raw Ako na kung saan bahagi rin siya ng movie version nito na dinirek ni Joven Tan.

Then, itong YFSF ang biggest break niya at hindi naman nagkamali ang TV show na isali siya, huh!

Pero ang pinakamaganda lahat kay Michael ay ‘yung hindi pagbabago ng ugali niya. Humble pa rin siya’t walang masamang tinapay sa kanya.

May bayad man o wala ang imbitasyon sa kanya, apir pa rin siya basta kaya rin lang ng schedules at katawan, huh!

Mabuhay ka, Michael!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEST ACTRESS

BEST FOREIGN FILM

BEST PICTURE

BIG DOME

HAUNTED MANSION

JANELLA

PERO

RIN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with