^

Pang Movies

Dingdong ngayon lang makukumpleto ang Pasko

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Laging excited si Dingdong Dantes umuwi ng bahay pagkakatapos ng kanyang trabaho sa GMA 7.

Sobrang saya ang pagkaka-describe nito matapos isilang ng misis niyang si Marian Rivera si Baby Maria Letizia na sa loob daw ng 35 years niya ay ngayong darating na Pasko ang pinakamasaya dahil finally ay buo na ang kanilang pamilya.

Samantala, ngayon pa lang ay marami nang nag-aalok kay Baby Zia na mag-endorse ng mga baby products.

Pero iniisip pa raw nila kung tatanggapin ang mga ito. Basta ngayon ay ini-enjoy daw muna nila ang moment kasama si Baby Zia lalo na ngayong Pasko at New Year.

Wala muna silang balak na pumunta sa ibang lugar dahil delikado pang magbiyahe para sa kanilang panganay.

Wala pa ring naiisip na regalo si Dingdong kay Ma­rian para sa Christmas, pero sapat na raw na pinakamagandang regalo si Baby Zia sa kanilang mag-asawa.

Final Four na si Elyson ginisa ng Starstruck councils

Nagulat si Regine Velasquez sa ginanap na Final ng Starstruck 4 nang marinig ang seryosong sagot agad ni Elyson de Dios, isa sa Final Four, tungkol sa kanyang nobya.

Pinapili kasi ni Dingdong (isa sa mga host) si Elyson kung career o girlfriend nang humarap sa apat na council.

Kilala kasi si Elyson sa grupo ng Starstruck na sobrang in love sa kanyang nobya. Mas pinili ni Elyson ang kanyang GF, na ayaw mawala sa kanyang buhay. Pero ipinagtanggol naman ng bagets na supportive ang kanyang nobya at never na naging hadlang sa kanyang career.

Idinagdag pa ni Regine na posible ring magbago pa ang nararamdaman nito dahil 16 years old lang si Elyson.

Bukod tanging si Joey de Leon lang ang council na hindi kumontra kay Elyson kumpara kina Jennylyn Mercado na nagsabing makakapaghintay ang pag-ibig, Regine, at Dingdong na hinikayat si Elyson na mas mag-concentrate muna sa kanyang career dahil minsan nga lang naman dumating ang pagkakataon tulad ng Starstruck.

 

vuukle comment

ANG

BABY MARIA LETIZIA

BABY ZIA

DINGDONG DANTES

ELYSON

FINAL FOUR

JENNYLYN MERCADO

KANYANG

MARIAN RIVERA

NEW YEAR

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with