^

Pang Movies

Vic ayaw talagang sumawsaw sa pulitika, tama na raw ang anak niya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Suportado ni Vic Sotto ang pagpasok sa politics ng anak niyang si Vico Sotto bilang konsehal sa unang distrito ng Pasig City.

Si Vico ay anak ni Vic sa actress/TV host na si Coney Reyes.

Alam daw ni Bossing Vic na gusto ni Vico na subukan ang politics. Gusto raw nitong mag-serve sa gobyerno kaya all-out ang support niya rito.

“Maliit pa lang si Vico, gusto na niyang magtrabaho sa government, and I think this is the right time.

“Marami na siyang alam sa batas, he really wants to make a difference sa ating current political situation.

“Noong mag-usap kami tungkol diyan, pumayag agad ako. Alam ko na kaya niya ‘yan,” diin pa ni Vic.

Ilang beses na rin na may lumapit kay Bossing para tumakbo sa isang posisyon kapag malapit ang eleksyon. Si Bossing Vic na mismo ang tumatanggi sa mga alok na ito.

“Hindi ko linya talaga. Kaya isa sa anak ko na lang ang magtutuloy.

“Bukod sa aking kapatid at mga pamangkin ko, si Gian, Wahu, Lala, on my part, heto naman si Vico.

“Kasi maliit pa lang siya, he’s always been interested in public service and working for the government.”

Tama na raw kay Bossing Vic ang showbiz dahil marami rin siyang natutulungan, lalo na sa Eat Bulaga.

Magiging busy din si Vic sa promotion ng My Bebe Love #Ki­ligPaMore para sa Metro Manila Film Festival.

Jennylyn naghahanda sa Iron Man Cebu

Napapanatili na rin ni Jennylyn Mercado ang kanyang sexy figure dahil sa patuloy na pag-ensayo niya para sa Iron Man Cebu in 2016.

Wala pang bagong teleserye si Jen at papatapos na rin ang pagiging judge niya sa Starstruck kaya marami na siyang panahon para sa training.

Puspusan nga ang pag-ensayo ni Jen dahil halatang inspired ito dahil magkasama nga sila parati ni Dennis Trillo.

Pareho kasi nilang hilig ni Dennis ang pag-bike at sa mga malalayong lugar sila nakakarating.

“Pag mga kaibigan mo na malalapit sa ‘yo, siyempre dapat i-encourage mo rin sila na gumawa ng mga ganung bagay.  ‘Yung makaka-improve sa sarili nila,” diin ni Jen.

“Masarap ‘yung feeling na ‘yung bina-bike-kan mo, maganda ‘yung environment, presko ‘yung hangin.

“Kaya pinipili namin ‘yung sa mga probinsiya talaga. ‘Yung haba ng bina-bike mo, parang fulfilling, eh.”

Magiging busy rin si Jen sa promotion ng pelikula niya sa Metro Manila Film Festival na Walang Forever kung saan kasama niya si Jericho Rosales.

Nag-enjoy si Jen na makatrabaho si Echo for the first time at sana raw ay hindi iyon ang huli.

Game of Thrones nangunguna sa SAG Awards

Ang pelikula tungkol sa isang blacklisted na Hollywood screenwriter in the 1940s ang siyang nakakuha ng pinakamaraming nomination sa Screen Actor’s Guild or SAG Awards.

Nakuha ng pelikulang Trumbo ang nomination for best cast ensemble, best actor at best supporting actress for Helen Mirren.

Makakalaban ni Cranston sa best actor category ay sina Johnny Depp (Black Mass), Leonardo Di­Caprio (The Revenant), Michael Fassbender (Steve Jobs) and Eddie Redmayne (The Danish Girl).

Nanguna naman sa best actress category si Cate Blanchett for Carol. Makakalaban niya sina Brie Larson (Room), Saoirse Ronan (Brooklyn), Sarah Silverman (I Smile Back).

Sa TV category naman, nanguna with three nominations each ang Game of Thrones, Homeland at House of Cards. Kasama rin ang Downton Abbey sa nominees.

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BLACK MASS

BOSSING VIC

BRIE LARSON

GAME OF THRONES

IRON MAN CEBU

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NBSP

VICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with