^

Pang Movies

Hashtags pinainit ang tanghalian ng madlang pipol

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadagdagan ang saya at good vibes sa lumalaking barkadahan ng It’s Showtime sa pagdating ng pinakabagong all-male group na Hashtags na nagdala ng kilig at nagpainit sa tanghali ng madlang people.

Ang Hashtags ay binubuo ng makikisig na kalalakihang mayroong iba’t-ibang personalidad at kanya-kanyang angking talento sa pagsayaw.

Pinangunahan ang grupo ni Zeus Collins, na isa sa naging housemates sa katatapos lamang na Pinoy Big Brother 737.

Bago pasukin ang showbiz, nakilala na siya bilang God of the Dancefloor at mahilig nang sumali sa iba’t-ibang dance contest upang kumita ng pera para sa pamilya.

Nakasama niya ang PBB 737 Teen Big Winner na si Jimboy Martin, na nakilala sa kanyang magaling at mabilis na pagra-rap.

Ngunit siguradong napapabilib din niya ang madlang people sa kanyang paghataw sa It’s Showtime stage.

Kasama rin sa pagpapakilig at pagdadala ng good vibes sa madlang people ang iba pang mga naging housemates ng PBB na sina Tom Doromal at Jameson Blake, ang Star Magic artists na sina McCoy De Leon, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Ronnie Alonte at ang grand finalists ng Gandang Lalake segment ng It’s Showtime na sina Nikko Natividad at Luke Conde.

vuukle comment

ANG

ANG HASHTAGS

DE LEON

GANDANG LALAKE

GOD OF THE DANCEFLOOR

JAMESON BLAKE

JIMBOY MARTIN

JON LUCAS

LUKE CONDE

NIKKO NATIVIDAD

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with