^

Pang Movies

Christian napaso na sa mga babaeng foreigner

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi nagpahuli si Christian Bautista. Sa latest single nitong Who is She To Me? sa London pa ito isinyut. Kasama ni Christian sa music video ang isang foreign model.

Sa takbo ng music video, na-meet niya ang bagong babae sa panahon kung kailan siya brokenhearted, pero kakaiba ang epekto ng girl na meet niya sa London kaya biglang nabago ang mundo nito.

Ipinakikita rin sa video ang ibang part ng United Kingdom at masaya si Christian dahil nagtatrabaho na siya ay nakapag-travel pa. 

Claim ni Christian na naging friend lang nito ang model na nakasama niya sa music video at parang napaso na yata ang singer sa ibang lahi pagkatapos sa Indonesian girlfriend nito na nauwi sa hiwalayan. Pero katuwiran niya, hindi naman daw sa ayaw na nito sa foreigner na nobya.

Ang album ni Chrtistian ay iri-release ng Universal Records.

Pambato ng ‘Pinas sa WCOPA nanalo sa videoke contest

May bagong discover na singer si Jed Madela na nakapasa sa audition ng World Championships of Performing Arts (WCOPA), junior division, ito si Christian David Amata, 16 years old at tubong Capiz.

Magiging pambato si Christian ng bansa sa dara­ting na competition sa July 2016 sa U.S. bilang solo performer.

Limang iba’t ibang eskuwelahan sa elementary ang pinanggalingan ni Christian. Lagi kasi siyang ginagawang scholar dahil sa kanyang magandang boses.

Una siyang nanalo sa videoke na Rising Star ng TV5 na siyang nagdala sa kanya sa Maynila. Last November 21 ay sumubok nga siya na mag-audition at sa mahigit na 20 participants ay siya ang nakapasa sa panlasa ni Jed na ilalaban sa WCOPA.

Malaking bagay ang scholarship ni Christain dahil galing lang siya sa isang simple pamilya sa Capiz na may apat na kapatid na lalaki.

Ang maganda kay Christian, kinakanta rin niya ang lahat ng classical songs, kaya pati lolo at lola sa mga event na pinupuntahan nito ay kinatutuwaan siya.

May first solo concert si Christian sa Feb. 13, 2016 sa Amoranto Theater sa Quezon, City.

For bookings ng event para sa bagets tumawag lang sa 09156927461 at hanapin si Mr. Ryan M. Favis.

vuukle comment

ALIGN

AMORANTO THEATER

ANG

CAPIZ

CHRISTIAN

CHRISTIAN BAUTISTA

CHRISTIAN DAVID AMATA

JED MADELA

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with