^

Pang Movies

Singer na pinag-aral ni Pacman, gustong mangampanya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hinahanap ng singer na si Zendee ang contact number ni Papa Manny dahil gusto niya na tumulong sa kampanya ng Pambansang Kamao.

Si Zendee ang Internet sensation na umapir noon sa talk show ni Ellen DeGeneres.

Tumatanaw si Zendee ng malaking utang na loob mula kay Papa Manny dahil ito ang nagpaaral sa kanya kaya nakatapos siya ng college.

Ngayong kinikilala na ang husay niya sa pag-a­wit, payback time na para kay Zendee. Nag-promise siya na tutulong sa pangangampanya ni Papa Manny na naging mabuti sa kanya at sa pamilya niya.

Personal na magkakilala ang dalawa dahil apat na bahay lamang ang pagitan ng mga tahanan nila sa General Santos City.

Manny walang planong ilaglag si VP

Nagkita kahapon sa Sarangani province sina Vice President Jojo Binay at Congressman Manny Pacquiao.

Inulit ng Pambansang Kamao ang kanyang pa­ngako na susuportahan niya ang presidential bid ni Papa Jojo dahil naniniwala siya sa kakayahan na makapaglingkod sa bayan ng incumbent Vice President.

Ginawang halimbawa ni Papa Manny ang mga karanasan nila ni Papa Jojo dahil pareho raw sila na nanggaling sa kahirapan.

Kakandidatong senador si Papa Manny at siyempre, tatakbo siya sa ilalim ng UNA, ang partido ni Papa Jojo.

‘Happy birthday, Boss Miguel!’

Happy birthday sa aming big boss na si Miguel Belmonte. Kahapon ang kaarawan ni Papa Miguel na mahal na mahal ng mga empleyado ng Star Group of Companies dahil mabait siya na bossing.

Good health at more success ang mga birthday wish ko sa isa sa mga pinaka-guwaping na bossing sa Pilipinas. Happy birthday again Papa Miguel! (Happy birthday Sir Miguel. – SVA)

Karmahin sana Aktres  CONSISTENT SA PAGSISINUNGALING SA MGA PRALALA

Hindi na sineseryoso ng mga reporter ang mga pralala ng isang aktres na ubod ng sinungaling.

Maraming beses nang nagsinu­ngaling ang aktres kaya iniiwasan na siya na makausap ng mga reporter.

Feel na feel ng showbiz press na hindi sincere ang aktres na  nagpapakalalim at nagpapanggap na matalino.

Wa epek sa press ang drama ng aktres dahil mas pipiliin nila ang mga artista na bobita pero puro katotohanan ang mga sinasabi.

Hindi nakakagulat na super flop ang pelikula ng aktres dahil na­ramdaman ng moviegoers ang kanyang mga kanegahan.

Haunted Mansion, nakaka-curious panoorin

Nakita ko ang poster ng Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Kakaiba ang tawag pansin na poster ng Haunted Mansion.

Sa poster pa lang, magkakaroon agad ng interes ang mga tao na panoorin ang launching movie ni Janella Salvador.

Si Jun Lana ang direktor ng Haunted Mansion.

May hatid na suwerte si Jun dahil pinilahan sa box office ang huling pelikula niya sa Regal, ang The PreNup.

Anak ng dating beauty queen, hindi pinababayaan ng super yaman na ama

Sobrang yaman pala ng ex-boyfriend ng ex-beauty queen na sinubukan din na mag-artista pero hindi nagtagal dahil mas inasikaso niya ang kanyang mga negosyo.

Sandali lamang ang love affair ng richie rich man at ng beauty queen. Nagbunga ng isang anak ang kanilang relasyon na humantong din sa hiwalayan.

Masuwerte ang anak ng beauty queen dahil hindi siya pinababayaan ng kanyang ama. Nakakatiyak na ang bright future ng bagets.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

HAUNTED MANSION

LEFT

MGA

PAPA

PAPA MANNY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with