^

Pang Movies

Nanibago sa pagbabalik-showbiz aktor lutang ang isip nang mag-guest sa show

Jun Nardo - Pang-masa

Lutang ang dating ng aktor nang mag-guest ito sa isang TV show.

Kasi naman, habang nagsasalita siya ay hindi siya tumitingin sa kausap o sa kamera, huh!

Eh, matagal din kasing nawala sa sirkulasyon ang aktor. Parang napabayaan na siya ng kanyang network kaya feeling naninibago sa mundo ng showbiz, huh!

Kaya hayun at halatang nangangapa’t naninibago ang aktor pag nasa showbiz commitments niya!

Bagayan kaya? Diether ipinareha kina Ritz at Sam

Bida ang Kapamilya actor na si Diether Ocampo sa dalawang episodes ng Wattpad Presents, ang Wicked Ways at Seducing Mr. Wrong. Eh, after two years na walang regular na programa ang aktor sa Channel 2, sa TV5 naman siya mapapanood.

“To be honest, I was anticipating na iba ang experience ko rito. But I am quite surprised in a good way having to work with these new artists pati na ang production team. Magaan katrabaho. So ‘yung expectations ko, hindi lang nalampasan. Nasulit.

“I’m glad that this opportunity came na na­ging successful naman ang pagsu-shoot namin even though very long period of working hours. But sulit naman. We all enjoyed and that’s the most important!” pahayag ni Diether sa presscon ng Wattpad Presents.

Wala naman daw siyang naramdamang ilang dahil sa bagong environment ng trabaho.

Makakasama ni Diether sa episode niya na Wicked Ways si Ritz Azul at mapapanood na ito sa Nov. 23-27, 9 p.m habang si Sam Pinto naman ang kapareha niya sa Seducing Mr. Wrong na sa Dec. 14-18 ang telecast.

Matapos bumida sa musical play, Monica sa TV naman aarte

Walang conflict sa pagpasok ng Viva Films sa TV5 ayon kay Ma’am Wilma Galvante na namamahala sa Wattpad Presents. Sa totoo lang, magbibida sa episode na Iska Ispiritista ang Viva discovery na si Monica Cuenco na lead star ng stage musical na Bituing Walang Ningning na produksyon ng Viva Live.

“Actually, nakakakuha na rin kami before ng ar­tists sa Viva. Pero ngayon, mas serious na ‘yung relationship sa talents.

“Si Diether naman, thanking ABS-CBN, hini­ram namin siya. Mabuti naman at meron siyang oras at pinaunlakan naman niya ang invitation ng Wattpad.

“Sa Viva, there will be an exchange of content, exchange of concepts and projects also on top of sha­ring talents. Hindi lang naman one way deal ‘yon.

“Even the talents of TV5 are now going to be active on Viva projects,” paliwanag ni Ma’am Wilma.

Ang ilan pa sa mapapanood na episodes ng Wattpad ay ang Wrong Number nina Eula Caballero at Mark Neumann na sa Nov. 30-Dec. 4 ang airing.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BITUING WALANG NINGNING

BUT I

DIETHER OCAMPO

EULA CABALLERO

ISKA ISPIRITISTA

MR. WRONG

NAMAN

WATTPAD PRESENTS

WICKED WAYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with