^

Pang Movies

Benjie pinaliliguan ng pangaral si Andre!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Inamin ni Benjie Paras na talagang pina­ngangaralan niya ang kanyang mga anak, sina Andrei at Kobe na maging maingat naman lalo na sa kanilang panliligaw.

Hindi naman siguro masasabing nagkamali si Benjie sa kanyang lovelife, o masasabing nadala siya dahil sa kanyang naging karanasan, pero tama lamang namang pangaralan niya nang ganoon ang kanyang mga anak.

Pero sinabi rin niya, wala siyang tutol kung magiging manugang nga niya si Yassi Pressman, na siyang ka-love team ng kanyang anak na si Andrei sa kanilang pelikulang Wang Fam.

Pero maging iyon, sa palagay namin ay biro lang naman niya. Kasi kung iisipin, medyo bata pa naman ang mga anak niya para maging seryoso pagdating sa kanilang lovelife.

Siguro ni hindi pa nga sumasagi sa isip ni Andrei ang mag-asawa. Mukha kasing mas interesado pa siya sa kanyang career.

Busy rin naman siya talaga, mayroon siyang tumatakbong serye kung hapon, at alam naman ninyo kung ano ang ibig sabihin kung mayroon kang tumatakbong daily series.

Tatlong araw sa isang linggong taping iyan. Kung ganyan na may ginagawa pa nga siyang pelikula, ano pa ba ang kanyang panahon?

At saka sinasabi rin naman ni Andrei, sa ngayon gusto pa niyang magsikap sa kanyang career.

Napili niya ang showbiz, habang ang kanyang kapatid namang si Kobe ay mas pinili ang basketball.

Alam niyang magaling ang kapatid niya sa basketball, kaya gusto rin naman niyang masabing magaling naman siyang actor.

Maine hindi naisnab ng Push

Bagama’t siya ay mula sa isang kalabang network, at hindi nga maikakailang ang kanyang pagsulpot sa showbusiness ay nagbigay ng problema sa kalaban nilang network, hindi nagawang hindi papanalunin sa ilang awards si Maine Mendoza. Halata mo naman, ni hindi nabanggit sa mga awards ang kanyang ka-tandem na si Alden Richards, at bakit nga ba eh mula sila sa kalabang network.

Iyon ngang mga commercial na ginawa nila ay ayaw ilabas ng network, pero masyado namang obvious kung hindi nila kikilalanin ang popularidad ni Maine sa kanilang awards.

Siguro kung hindi man nanalo si Maine ay wala namang magtatanong, dahil alam naman nila na ang awards na iyon ay bale “home awards” ng kalaban nilang network, pero ang awards ang magiging katawa-tawa kung hindi nila papansinin si Maine.

Sila ring ang magmumukhang masyadong bitter.

Kuya Germs naka-recover na

Nakakatuwa naman, nakita namin si Kuya Germs na kasama sa Christmas ID ng GMA 7. Mukhang masayang-masaya si Kuya Germs sa nasabing Christmas ID.

Marami naman kasing dapat ipagpasalamat si Kuya Germs. Dumanas siya ng stroke sa unang bahagi ng taon.

Matagal siyang napahinga dahil kailangan niyang magpagaling nang husto kahit na nakalabas na siya sa ospital.

Ngayon dapat masaya na nga siya dahil ok na siya bago mag-Pasko.

vuukle comment

ALIGN

ANDREI

ANG

HINDI

KANYANG

KUNG

KUYA GERMS

LEFT

NAMAN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with