^

Pang Movies

Direk Wenn gustong gumawa ng pelikula tungkol sa tanim-bala!

Jun Nardo - Pang-masa

Buwenas ang Viva Films sa horror-comedy nitong Wang Fam dahil walang pasok sa showing nito sa November 18 dahil sa APEC meeting sa bansa ng world leaders.

Komo ngayon lang ulit gumawa ng horror-comedy ang box-office director na si Wenn Deramas, tinanong namin siya kung mairerekomenda ba niya ang pelikula sa darating sa world leaders.

Sinagot naman ito ni direk Wenn komo nga alam naming bihasa siya sa pagku-comedy.

“Oo, may subtitle naman ito eh! Chinese, huh!” saad ni direk Wenn. Dagdag niyang biro, “Dito sa baba, English. Sa side, may Chinese. Dito may Japanese. Dito may French! Wala silang makikita! Ha! Ha! Ha! Basa lang sila nang basa nang ganyan!

“Pero puwedeng panoorin. Hindi. Lagi naman ako gumagawa ng pelikulang comedy and I make it a point na universal (ang theme). Parang pag-ibig,”

Kung mabibigyan siya ng chance, gusto ba niyang gawin ang premiere ng movie sa Philippine Arena?

“Hindi ba maliit ‘yon? Bakit hindi na lang sa runway ng airport? Ganoon. Prangkahan na tayo! Doon tayong lahat!

“Iwasan na lang natin ang luma-landing at pa-take off na eroplano! Walang tanim-bala roon, huh!” katwiran niyang pabiro.

Wala ba siyang balak gumawa ng movie na tinatalakay ang notoryosong tanim-bala?

“Binabalak ko! Kasi nu’ng umuwi ako kahapon, isang oras at kalahati na patung-patong kami. Only in the Philippines! Kaya nga dapat manood ng pelikulang ito para sumaya!” bulalas ng box-office director.

Bida sa movie sina Benjie Paras, Pokwang, Andre Paras, Yassi Pressman, Alonzon Muhlach, Candy Pangilinan, Atak at iba pa.

Kylie wala munang lovelife, pag-akyat sa bundok ang inaasikaso

Happy naman daw ang personal life ngayon ni Kylie Padilla. Rason niya sa press launch bilang endorser ng US products na Relumins, “Nagagawa ko ang gusto kong gawin ngayon!”

Nahihilig kasi ngayon si Kylie sa pag-akyat ng bundok. Huli siyang umakyat sa Mt. Batulao.

“Bata pa rin kasi ako, isinasama na ako ng daddy ko! So siguro nahawa ako sa kanya. Mahilig talaga ako sa nature!” rason niya.

Eh, meron ding palang sunscreen ang Relumins na ginagamit ni Kylie kaya walang epekto ang init sa kutis ng Kapuso actress.

Loveless kasi ngayon si Kylie. Friends lang daw sila ni Benjamin Alves na huling natsismis sa kanya.

Proud si Kylie dahil siya ang unang kinuhang endorser ng Relumins na competitive din ang presyo’t malapit nang mabili sa kilalang drug stores sa bansa.

Sen. Grace parang mga role ni FPJ ang pinagdaraanan ngayon

Aba, lumutang si Nanay Doray nitong interview kay Sheryl Cruz nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa radio program nila sa DZBB. Naisulat namin dito na kelan lang ay  naglahong parang bula ang assistant/yaya ng mga Sonora kids nu’ng panahon nina Ricky Belmonte at Rosemarie Sonora.

Mukhang naayos na ni Sheryl ang gusot kay Nanay Doray, huh!

Anyway, muling naulit ang pagpapaliwanag sa isyu kay Sen. Grace Poe. ‘Yun nga lang, nakatikim siya ng payo na para na ring sermon kay Ali Sotto, huh!

Ayon kay Ali, alang-alang sa pamilya nila, ayusin na lang nang sikreto ang gusot sa pamilya niya. Lalo kasing lumalaki ang isyu dahil nagkakaroon ng duda sa aktres nang makita siyang kasama ang Presidentiable na si VP Binay sa Annabelle’s resto kamakailan lang.

Kung titigil na si Sheryl, mababawasan ang anumang pasanin pa ni Sen. Grace na bugbog na sa disqualification cases. Pero sa totoo lang, parang ang father niyang si FPJ si Grace na nagpapabugbog muna bago lumaban sa mga umaapi sa kanya, huh!

vuukle comment

ACIRC

ALI SOTTO

ALONZON MUHLACH

ANDRE PARAS

ANG

ARNOLD CLAVIO

BENJAMIN ALVES

DITO

LANG

NANAY DORAY

RELUMINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with