^

Pang Movies

Nadine ginulat ni James ng mamahaling regalo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mahilig pala si Nadine Lustre sa aso kaya ito ang napiling iregalo ni James Reid sa kanya for her birthday.

Isang cute na cute na teacup maltese puppy ang ibinigay ni James sa leading lady sa On The Wings of Love sa pagbabalik ng young actress sa Pinas mula sa South Korea kung saan ito nag-celebrate ng ika-22 na kaarawan.

Pinangalanan nila itong Clarky na hango sa pangalan ng karakter ni James sa OTWOL na Clark.

Ipinost ng Viva Artists Agency (nagma-manage kina James at Nadine) ang larawan ng dalawa kasama si Clarky.

Inulan ng comment ang post mula sa JaDine fans na kilig na kilig sa sweet gesture ni James.

Say ng isa, ang cute raw ng gift ni hubby kay wifey. May nagsabi namang kamukha raw ni James ang puppy- super-cute.

Pero ang talagang pinagdiskusyunan ng fans ay ang presyo ng puppy. Marami sa kanila ang nagsabi na mahal daw ang ganitong klase ng aso. May nagsabing nasa 40 thousand pesos daw at may nagsabi namang ranging from $600 to $5,000 daw ang presyo nito.

Bongga! Ang galante ni James, huh!

Susan Roces reynang-reyna sa Probinsyano...

Muling pinapatunayan ni Ma­dam Susan Roces kung bakit siya tinaguriang Reyna ng Pelikulang Pilipino sa galing niya sa pag-arte sa Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Puring-puri ng mga netizen ang nanay ni Sen. Grace Poe sa kanyang pagganap bilang Lola “Flora” kay Ador/Cardo sa teleseryeng hango sa 1997 movie ng namayapang asawa na si Da King Fernando Poe, Jr.

Marami ang napa-wow sa pag­­ka­n­a­tu­ral ng pag-arte ni Tita Swanie lalo na sa in­tense confrontation scene nila ni Jaime Fabregas tungkol sa totoong katauhan ni Cardo na nagpapanggap bilang Ador.

“Grabe. Ms. Susan Roces is really a legendary actress,” tweet ni @jvpatengaG12, na isa sa mga milyon-milyong sumusubaybay sa top-rating show ng ABS-CBN na trending din gabi-gabi.

“Grabe talaga umarte si Ms Susan Roces, damang dama mo talaga. Woooooo,” sabi naman ni @KylaJoesan sa isa pang tweet.

Proud na proud din syempre si Senator Grace sa performance ng ina at ng buong cast ng  Ang Probinsyano  na pinapangunahan ni Coco Martin.

Ani Grace, hindi niya kinakaligtaang panoorin ang nasabing teleserye ng ABS-CBN lalo na kung hindi busy ang kanyang schedule.

Sam papasukin na ang buhay ni Julia

Si Sam Milby ang pinakabagong papasok sa Doble Kara tele­serye na napapanood sa afternoon slot ng ABS-CBN at pinagbibidahan ni Julia Montes.

Inanunsyo na ito ng Dreamscape Entertainment Productions last Monday sa kanilang Instagram account kasama ang larawan nina Julia and Sam at maikling video teaser.

Si Sam ang pinakabagong magiging leading man ni Julia at gagampanan niya ang role na Sebastian. Kung sino siya sa kwento, ‘yan ang dapat abangan.

Anyway, isa ito sa sinasabi ni Sam sa presscon ng 10th anniversary concert niyang The Milby Way na dalawang teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN. Ang isa ay Written In Our Stars with Piolo Pascual and Toni Gonzaga.

Ratsada si Sam ngayon dahil bukod sa teleserye ay naghahanda rin siya sa The Milby Way anniversary concert niya na gaganapin sa Nov. 28 sa The Kia Theatre sa Araneta Center, Cubao.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

ANI GRACE

ARANETA CENTER

CLARKY

COCO MARTIN

DA KING FERNANDO POE

MILBY WAY

SHY

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with