^

Pang Movies

Kim willing bumigay kay Piolo

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Next year ay ang 10th year na sa showbiz si Kim Chiu at nang i-launch siya as the first celebrity endorser ng Fat Out ng ATC Healthcares, biniro siya ng entertainment press kung may aalisin pa bang fats sa kanyang katawan.

Oo daw naman, hindi raw dahil slim siya ay wala na siyang fat, pero ang mahalaga kung bakit tinanggap niya ang offer para maging ambassador ng Fat Out ay dahil sa magandang benepisyo nito sa katawan tulad ng paglilinis ng ating colon.

Maganda rin ang offer ng ATC na pwede siyang maging business partner at bukod sa talent fee niya as endorser ay may percentage pa siyang matatanggap mula sa sales na ibinibigay naman niya sa tinutulungan niyang foundations at ng ATC Foundation din, to help the less fortunate nating mga kababayan.

Natawa si Kim sa tanong na kung ngayong magiging sexy na siya papayag na ba siyang gumanap sa mga daring roles?  Confident daw naman siya sa sarili niya dahil ang pagiging sexy is in the mind of a person.  Kaya kung tingin daw ng mga tao ay sexy siya at makaka-inspire sa kanila, bakit naman hindi.  Pero depende pa rin daw iyon sa project na ibibigay sa kanya.

Nagustuhan ng mga tao ang pagtatambal nila ni Piolo nang mag-guest ito sa Etiquette of Mistresses at balitang pagtatambalin sila sa susunod niyang project sa Star Cinema.  Papayag ba siya kung magkaroon sila ng daring scene ni Piolo?

“Tingnan po natin, siguro naman isang eksena lamang iyon,” nakangiting sagot ni Kim.

Tamang Panahon naging organisado

Isa munang pasasalamat at pag-congratulate sa TAPE, Inc. at sa lahat ng mga namahala sa Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon sa isang napaka-organized at maayos na pagsasaayos ng special event last Saturday, October 24, sa Philippine Arena.

Hindi ka na magtatanong kung ano o paano, dahil naiayos na ng mga coordinator.  Hindi biro ang magpapasok ka ng more than 55,000 people sa loob na wala kang narinig na nagreklamo.

Kaya hindi totoo iyong kumalat na balitang nagkaroon daw ng stampede dahil behaved din ang AlDub Nation at during the 10:00 a.m. show, itinuro na sa kanila kung saan ang mga exit points kung sakaling magkaroon ng aberya.

Thank God, pero natapos ang show na pawang tawanan, palakpakan, iyakan at kilig moments, nang tuluyan nang magkita at magyakap sina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).  At nakita rin namin na walang lumabas na mga tao hanggang hindi natapos ang show.

Kaya more success for the show at sa kalyeserye.

Wally pinakamaraming ginawa

Saludo kami kay Wally Bayola dahil among the tatlong lolas, siya as Lola Nidora ang napakaraming ginawa sa Tamang Panahon event.

Bukod sa pagiging lola, nagpalit din siya ng character as Duhrizz, ang pasaway niyang apo at si Rihanna, ang kanyang mayordoma sa mansion.

Kaya natawa kami nang sa eksenang magkasama na sina Alden at Maine, naiwanan siya at nag-dialogue siya na: “tingnan mo nga naman, matapos na magkahawakan na ng kamay, iniwanan na ako, hindi na ako inalalayan.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

EAT BULAGA

FAT OUT

HINDI

KAYA

KUNG

MGA

NBSP

SIYA

TAMANG PANAHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with