^

Pang Movies

Daniel at Kathryn, tuluyan nang bibitawan ang ‘pangako’ sa isa’t isa?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hanggang kailan kayang tiisin ng mga karakter nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang pag-ibig para sa isa’t isa sa kanilang top-rating primetime series na Pangako Sa ‘Yo?

Sa mas tumitindi pang takbo ng kwento, tuluyan na ngang nagdesisyon si Yna (Kathryn) na layuan na si Angelo (Daniel) matapos maaksidente ang dating kasintahan. Ngunit sa kanyang pilit na paglimot sa buhay sa Punta Verde, hindi magiging madali para kay Yna ang magsimula ng bagong buhay sa Talisay sa kabila ng pagsisikap ni David (Diego Loyzaga) na pasayahin siya.

Matapos ang aksidente, matatagpuan ni Angelo na magkasama sina Yna at Diego, na siya namang ikagagalit nito. Sa pag-aakalang tuluyan na siyang kinalimutan ni Yna, makahanap na kaya si Angelo ng sapat na lakas ng loob para kalimutan na rin si Yna?

Bukod pa riyan, kaabang-abang din kung ano ang kahahantungan ng tagpo sa pagitan nina Amor (Jodi Sta. Maria), Eduardo (Ian Veneracion), at Claudia (Angelica Panganiban).

Aminin kaya ni Amor na mahal pa niya si Eduardo? Hanggang saan ang kayang gawin ni Claudia para hadlangan ang pagkakaibigan ng kanyang asawa at ni Amor?

Samantala, bilang patuloy na pasalamatan ang mga manonood sa gabi-gabi nilang pagsusubaybay sa programa, tutungo ang cast ng Pangako Sa ‘Yo sa One Kapamilya Go sa Oakland, California, USA na gaganapin sa Oracle Arena ngayong Oktubre 25. Ito ay bahagi ng pa rin ng Pangako Sa ‘Yo Thanksgiving Tour na una nang nasimulan sa Biñan, Laguna.

vuukle comment

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELO

CLAUDIA

DANIEL PADILLA

DIEGO LOYZAGA

EDUARDO

HANGGANG

IAN VENERACION

PANGAKO SA

YNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with