^

Pang Movies

Nawalan ng oras James tinantanan na ang pagba-bar

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay James Reid, iniiwasan na rin daw niyang lumabas at gumimik ngayon dahil nga busy rin siya at walang time because of On The Wings of Love series nila ni Nadine Lustre sa ABS-CBN.

Matatandaang naging issue ang paggimik-gimik ni James at ikinagagalit ng fans kapag nakikita siyang may ibang babaeng kasama.

“Now, medyo iniiwasan ko (na gumimik) because I don’t have so much time, we’re so busy, pero I mean, that’s really how I am. I mean, I have lots of friends, kung minsan, the fans get upset but I think, they personally understand,” say ni James.

Nasasaktan ba sila sa mga sinasabi ng mga bashers?

“Usually, I can just ignore it, but sometimes, it just builds up too much, a lot of stress and everything. It’s normal for people to vent once in a while, so. . .” pahayag ni James.

Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang post ni James sa Instagram na tila iritado saying that he has his own life.

Pero nilinaw ni James na friends lang sila ni Debs Garcia, ang newcomer na napapanood sa Ningning na siyang pinagselosan ng mga fans nang makita silang magkasama.

Landian nina Jennylyn at Sam naka-P8-M sa unang araw

Jackpot sa takilya ang romantic-comedy film nina Jennylyn Mercardo at Sam Milby na The PreNup nu’ng opening day last Wednesday, October 14.

Humamig ito ng P8-M at pinuri-puri ng mga nakapanood ang performances ng lead and supporting stars pati na husay ng direksyon ni Jun Lana.

Naihatid din ng pelikula ang layunin na mailarawan ang epekto ng isang pre-nuptial agreement bago ikasal ang dalawang tao sa masayang paraan.

Maging sa social media, Twitter, Facebook, at Instagram ay nagbubunyi ang nakapanood ng movie sa kilig pa more na dala nina Jen at Sam.

Nag-trending sa Twitter ang first day showing at aprub na aprub sa netizens ang Pinoy na Pinoy na tema ng pelikula.

Lutang na lutang at bentang-benta sa moviegoers ang galing nina Jen at Sam sa mga kilig scenes nila sa movie lalo na ang mga nakatutuwa nilang eksena sa New York City.

Kaya naman kahit gumastos nang todo ang Regal Entertainment sa said romantic-comedy film ay sulit na sulit naman dahil sa magandang feedback ng manonood at sa ganda ng resulta sa takilya.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang The PreNup na kasalukuyan pa ring ipinalalabas sa mga sinehan.

Mabait naman daw Daniel hindi bitter sa kasikatan ng AlDub!

Maging si Daniel Padilla ay masaya sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Alden Richards.

“Kasi ‘yung nanay ko (Karla Estrada), naging katrabaho niya si Alden, mabait talaga ‘yung tao. Kaya rin siguro bine-bless din ng Diyos natin dahil napakabait din na tao,” say ng Teen King at bida ng Pangako Sa ‘Yo nang huli namin siyang makapanayam.

Noon pa raw niya na-meet si Alden, hindi pa nga raw siya artista noong makilala niya ito.

“Mabait talaga,” papuri ni DJ kay Alden.

Masaya raw siya sa kasikatan nga­yon ng AlDub loveteam at naniniwala s­iyang may kanya-kanyang panahon talaga.

“’Di ba, ‘yung style naman nila, nagda-dub sila, ‘di ba? Sila lang ang gumawa nu’n. At saka sinugal din nila ‘yun, it’s either ‘di pansinin or pansinin. Eh pinansin, eh ‘di good for them,” pahayag pa ng young actor.

Oo nga naman.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

CINEMA EVALUATION BOARD

DANIEL PADILLA

DEBS GARCIA

GRADED B

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with