^

Pang Movies

Walang paki sa ‘mabababaw’ na bashers Lea may bagong play sa Broadway, busy sa pagbibigay ng karangalan sa bansa

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Allegiance ang latest Broadway play ng original Miss Saigon na si Lea Salonga.

Nagsimula na ang preview ng nasabing Broadway play noong Oktubre 6 sa Longacre Theater at ang official opening nila ay sa Nobyembre 8.

Kaugnay ng nasabing Broadway play ay nag-guest sa Good Morning America ang cast at kasama roon si Lea.

Pinost ni Martin Nievera ang litratong kuha niya habang nanonood ng GMA (maikling tawag sa nasabing morning show na live na nagbo-broadcast sa New York City).

Obvious na very proud si Martin sa panibago na namang achivement ni Lea.

Sabi ng isang malapit sa actress/singer, masaya si Lea sa kanyang latest Broadway play at hindi na iniintindi ‘yung matinding pamba-bash na inabot niya sa AlDub fans dahil sa isang “kababawan” tweet niya.
Ipinagdiinan ng taong malapit kay Lea na wala talagang kinalaman kina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ang tweet na ‘yon ng Allegiance star.

Samantala, kung may AlDub fans man na nagalit kay Lea at karamihan nga sa kanila na based sa Amerika ay nagsabing hindi nila panonoorin ang nasabing Broadway play ng actress/singer, marami namang Fil-Am fans ng isa sa judges ng The Voice ng ABS-CBN ang nangako ng kanilang suporta dapat ipagbunyi ng kanyang kapwa Pinoy.

Naniniwala rin ang kaibigan ni Lea na nakausap ko na mag-uuwi na naman ng maraming karangalan para sa ating bansa ang actress/singer dahil sa panibago na naman niyang Broadway play.

Annabelle pinagdududahan ni Eddie

Panay na naman ang punta ni Annabelle Rama sa Cebu City.

Although nag-dialogue na naman si Bisaya na hindi na siya kakanidato pa sa pagka-representative ng North District ng Cebu, hindi maiwasang magduda ang kanyang pamilya sa dalas na naman ng pagpunta niya sa lugar kung saan ay isinilang at lumaki siya.

Ang mister nga niyang si Eddie Gutierrez ay duda na rin dahil may mga pagkakataon na ilang araw nag-i-stay sa Cebu si Bisaya.

Noon kasi, palaging overnight na lang si Bisaya kung magpunta sa Cebu at may mga pagkakataon pa na pupunta siya roon sa umaga para magdasal sa Sto. Niño at uuwi rin sa gabi, pero ngayon, palagi na naman niyang pinagbibigyan ang iba’t ibang mga imbitasyon sa kanya roon.

Kung ang pamilya ni Bisaya ang tatanungin, hindi na siya dapat pang kumandidato sa Cebu.

Actually, ayaw na ng pamilya ni Bisaya na pasukin niya ang mundo ng pulitika.

Aktres isinisikreto ang pagsosyo sa negosyo ng dyowang aktor

Pagdating sa business, hindi na stranger para sa isang beautiful actress ang paglalagay ng ibang mga kinikita niya.

Ilang business na rin ang kasosyo si beautiful actress.

Ang actor-boyfriend ni beautiful actress ay sanay na rin sa business, pero may isang nagtsika sa akin at nagtanong kung totoo raw ba na hindi naman solo ni actor ang bagong negosyong pinasok nito.
Nagpasok din daw ng pera si beautiful actress sa bagong food business ng actor-boyfriend, pero silent partner lang daw doon si beautiful actress.

Sign na ba ‘yon na sila na talaga ang magkakatuluyan at paghahanda na ‘yon para sa kanilang future?

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG ALLEGIANCE

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CEBU

CEBU CITY

EDDIE GUTIERREZ

GOOD MORNING AMERICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with