^

Pang Movies

Ginawang kabayo Lovi sinakyan sa likod si Boyet

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagulat kami kay Lovi Poe nang mapanood namin ang eksena niya sa Beautiful Strangers na sinakyan niya sa likod si Christopher de Leon, sa galit niya, as Joyce, kay Ronaldo (Boyet) na sumira sa kanyang kinabukasan at naging dahilan din ng pagkamatay ng kanilang anak sana ni Noel (Rocco Nacino). 

“Hiyang-hiya po talaga ako noon kay Tito Boyet at ayaw kong gawin,” sabi ni Lovi.

“Pero siya po ang nagsabi na gawin ko kung ano ang nasa script at huwag akong mahiya. Tinanong ko siya talaga kung okey lamang at okey daw naman. Kaya sini­guro kong take one lamang ang eksena, medyo mahirap kasi po mataas si Tito Boyet at mabigat din ako. Kaya sorry ako nang sorry sa kanya pagkatapos ng take, okey lang daw at tinapik-tapik niya ako sa balikat. Iba talaga siya, napakapropesyonal na artista.”

Nang makausap naman na­min si Boyet sa set ng primetime drama, bilib na bilib daw siya sa mga young actor na kasama niya.

“Nakakatuwa sina Lovi, si Heart (Evangelista), Rocco at Benjamin (Alves).  Ang huhusay nila at mababait na bata,” sagot ni Boyet. “Thankful ako na nakasama ako sa aming drama series at mahusay si Direk Albert Langitan.”

Kaya sabi ni Lovi, mas na­ging comfortable siyang kasama sa mga eksena si Boyet kahit pa magkalaban talaga ang characters nila sa story. Kumusta naman na sa story ngayon, parang nagkabalikan na sila ni Noel, paano na si Heart na girlfriend nito as Kristine?

“May twist po sa story at may mangyayari kay Kristine, kung babalikan siya ni Noel at ako naman kung itutuloy ko ang relasyon ko kay Lawrence (Benjamin) na anak ni Ronaldo at ni Alejandra (Dina Bonnevie).”

Ang Beautiful Strangers ay napapanood gabi-gabi after MariMar.

Alden hindi sanay sa brasuhan gaya ng mga lola

Naganap na ang switching nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Si Yaya Dub ang nasa Broadway Studio at si Alden ang kasama ng tatlong lolas sa sugod bahay sa mga barangay. At kung lagi ay pinagka­kaguluhan ang sugod bahay nang si Yaya ang kasama, ganoon din ngayong si Alden na ang kasama nila. Para ngang mas lalong nahirapan ang security, kitang-kita mo kung paano sugurin si Alden, yakapin ng mga fans. As gentleman, inalalayan pa ni Alden ang tatlong lolas, pero sabi nga ni Jose, asika­suhin ni Alden ang sarili niya dahil sila sanay na sa mga ganoong brasuhan. 

Kaya dapat siguro, kahit si Alden ay hindi na rin isama sa sugod-bahay, o sila na lamang ang puntahan ng mga nabubunot na contestants dahil medyo safe kung saan sila nagsisimula ng kalye­serye. Malamang baguhin muli ni Lola Nidora ang request niya, kung babalik muli sa kanila si Yaya o pareho na lamang nasa Broadway Studio sina Alden at Maine. Naglaban naman sina Lola Nidora at Yaya ng bato-bato pik at kapag siya raw ang nanalo, babalik si Yaya sa kanila pero kapag nanalo si Yaya pwedeng sila nang dalawa ni Alden ang magkasama sa Broadway studio. Natalo si Yaya kaya nag-iisip pa si Lola nang biglang bumusina kaya hindi niya nasabi kung ano ang final decision niya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ANG

BOYET

BROADWAY STUDIO

KAYA

KUNG

LOLA NIDORA

LOVI

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with