^

Pang Movies

Nahanap na nga ba ni Pastillas Girl ang kanyang Mr. Pastillas?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang paghahanap ng Pastillas Girl na si Angelica Jane Yap sa kanyang Mr. Pastillas ay mukhang magkakaroon na ng closure sa It’s Showtime na umaarangkada na sa tanghali. Si Vice Ganda, pati na rin ang iba pang host ay patuloy na nagbibigay payo kay Pastillas Girl pati na rin sa pagpapakilala ng mga potential na Mr. Pastillas niya.

Pero sa nakaraang palabas ng noontime show, tila napusuan na ni Pastillas Girl si Topher na tubong Bulacan nang ito’y makaharap sa isang speed dating segment. Iginiit pa ni Topher na hindi lang basta-basta date ang gagawin niya para kay Angelica ngunit liligawan daw niya ito gamit ang tamang paraan.

Sadyang pinalad si Topher dahil siya pa ang napili ni Pastillas Girl na makasalo sa tanghalian at maka­kwentuhan upang kilalanin pa nang husto ang binata.

Sa kabilang banda, sina Jess, na lumipad pa ga­ling Bacolod, at Evan, ay walang ibang masabi nang malamang iba ang pinili ni Pastillas Girl at hindi sila.

Babalik na lang umano si Jess sa trabaho kung saan absent na siya buong linggo para lang masilayan si Pastillas Girl. Ganun na rin umano ang gagawin ni Evan na tinanggap naman ang pagkatalo kay Topher.

Ngunit, talo na nga ba sila? Ito na nga ba ng katapusan ng paghahanap kay Mr. Pastillas? Abangan yan bukas sa It’s Showtime na eere 11:30 ng umaga. I-follow ang kanilang Facebook at Twitter (@itsshowtime) para sa karagdagang impormasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA JANE YAP

EVAN

MR. PASTILLAS

PASTILLAS

PASTILLAS GIRL

QUOT

SHOWTIME

STRONG

TOPHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with